Chapter 9: Sunny Day
-June 1, 2016
*****
[Mommy Sunny's POV]
AAAAAHHH!!! BAKIT BA NAGKITA NA NAMAN KAMI NI YOONGI? I MEAN, HINDI PA KASI AKO HANDANG MAKIPAGKITA SA KANYA ULIT!!! FCK IT. TAPOS GUSTO NIYA PANG MAKIPAG-USAP SA AKIN? UGH, KUNG ALAM NIYA LANG... GUSTUNG-GUSTO KO ULIT SIYANG MAKAUSAP AT MAKASAMA ULIT, KASO HINDI PWEDE. TEKA, BAKIT BA KASI NAKA-CAPS LOCK?!
"Mommyyy~ Gusto kong makita ulit si daddy!!! Miss ko na siyaa~" walang tigil sa pag-iyak si Woozi dito sa kwarto naming dalawa. Kanina pa siya umiiyak doon pa lang sa taxi na sinakyan namin galing sa supermarket. Ah, naaawa ako sa anak ko. Niyakap ko siya at saka hinimas-himas ang likod niya.
Kung alam niya lang na gusto ko ulit na makasama ulit ang daddy niya, kaso inuulit ko, hindi talaga pwede.
"Woozi, please tumahan ka na..." pakiusap ko sa kanya kaso umiiyak lang siya.
"Sunny, anong nangyayari kay Woozi?" narinig kong sabi ni eomma na kakapasok lang sa kwarto namin.
Magaling na nga pala siya. So, anytime pwede na kaming bumalik ng Seoul.
"Um, umiiyak po kasi.. gusto nyang makita ulit si Y-Yoongi.." sabi ko at medyo nauutal pa ako sa pangalan ni Yoongi.
"Woozi.. makipaglaro ka muna sa mga kaibigan mo. Nasa labas sila.." malumanay na sinabi ni eomma kay Woozi.
"A-Ayoko m-makipag..laro sa kanila! Gusto ko kay D-Daddy Yoongi makipag..larooo~~" umiiyak parin si Woozi habang humihikbi. Hay, ano bang gagawin ko sa kanya?
"Woozi... mag-uusap lang kami ni mommy mo tungkol sa pakikipagkita mo kay Daddy, okay? Kaya sige na, maglaro ka na dun.."
"Ma.. pano kung umasa siya na makikita niya ang papa niya?" pabulong kong tinanong kay eomma kaso di niya ako pinansin. Snobber? Porke peymus di nako papansinin? ABA-- Joke lang. Huehue. Iba yung tinutukoy kong snobber na peymus pa.
"Makikita ko po ba ulit si Daddy, Halmeoni?" punung-puno ng pag-asa ang mga mata ni Woozi habang tinantanong niya si eomma. Alam kong gustong-gusto niya talaga makita ulit si Yoongi.
"Oo, basta wag ka nang iiyak at makikipaglaro ka sa mga kalaro mo sa labas, okay?" sabi ni eomma at tumigil na si Woozi sa kanyang pag-iyak. Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti. "Opo! Di na po ako iiyak, basta makita ko lang ulit si Daddy Yoongi!" napangiti ako dun pati na rin si eomma, saka lumabas ng kwarto si Woozi para makipaglaro sa mga kalaro niya.
"Sunny.. hayaan mo siyang makilala ang tatay niya at hayaan mo rin si Yoongi na makilala ang anak niya.'
"Makipag-usap ka na rin kay Yoongi at hayaan mong makilala ka niya ulit.. Malay mo, maalala ka niya at maging masaya kayo ulit katulad ng dati.."
Wala akong nasabi kundi natulala na lang ako sa mga sinabi ni eomma. Oo, hinayaan ko nang makilala ni Woozi si Yoongi, at ganun din siya. Kaso, ayokong makipagkilala sa kanya ulit. Natatakot ako na baka kami pa ang maging dahilan ng pagkasira ng career ni Yoongi. Masaya na siya ngayon, at ayokong masira at mawala ang saya na yun sa makinis na mukha ni Yoongi.
Nung gabi na nagpunta sila ni Jimin sa restaurant namin sa Seoul, sobrang kakaiba ng naramdaman ko. Naghalo ang tuwa, kaba, lungkot, at gulat ko. Ginawa ko siyang inspirasyon sa buong buhay ko. Maging ang restaurant na yun ay inalay ko sa kanya at sa buong grupo niya. Pero, iba na pala talaga nung nakita ko na siya ng personal, lalo pa't matagal ko siyang hindi nakita. Inaamin ko, gustung-gusto ko siyang yakapin nung mga oras na yun. Gusto kong sabihin na, "Suga, ako nga pala ang girlfriend mo noon.." kaso, di na niya ako maalala dahil sa isang aksidente noon-ang siyang bumago sa landas at tadhana naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Min Yoongi is a Daddy? [SLOW UD KAC SLOW DIN ANG OTOR]
Fanfiction"Ano nga ba ang mas mahirap: ang MAGMAHAL o ang MAGMURA?" ********** "Hello daddy!" .... Anong sabi niya? Hello daddy?! Ako? Isang daddy?! Teka, joke lang naman siguro 'to diba? Dahil... hindi pa ako handang tawaging daddy--- Daddy Yoongi! Paano...