Chapter 5: Where Are You?
-February 27, 2016
*****
Two months later...
Lumipas ang maraming fansigning events, live performances at mini concerts... pero hindi ko pa rin nakikita ulit si Woozi. Kaya napagpasyahan kong bumalik dun sa lugar kung saan ko siya nakitang tumatakbo at nakikipaglaro sa mga kalaro niyang bata.
Nagpaalam ako kina manager hyung at sinabi kong may bibilhin lang na importante at saglit lang ako, buti na lang at pinayagan niya akong umalis.
Sinuot ko na yung puting brip na hiniram ko kay Jungkook (kekeke^^), white hoodie, black pants, facemask at cap ko. Mahirap na at baka pagkaguluhan ang gwapo...
Naglakad-lakad ako sa bawat shops and streets dito, pero wala talagang Woozi na 'sisiw'. :'<< Iyak na ko! Ipangsasabong ko pa naman yun pag lumaki.. Huhuhuhu ㅠ.ㅠ
Hinanap ko na lang yung chicken house na pinagbilhan namin nung chicken last time. Na-miss ko na yung chixx-- este yung chicken dun.
After 10 minutes....
Ayun! Nakita ko na... kaso sarado. Bakit sila nakasarado? Ang alam ko 24 hours open sila.. Ano kayang nangyari?
Maya-maya may dumaang dalawang batang babae. Wait, parang familiar sila? Ah, baka kalaro sila ni Woozi baybeh..
"Excuse me, pretty little girls.."
"Pretty girls? Mukha po ba akong pretty girl, manong?" Medyo sigang sagot nung isang bata.
"Ay? Lalaki ka ba?" nalilitong tanong ko dun sa bata. Eh kayo ba naman ang makakita ng batang may long hair na kulay blue? Di ba kayo maguguluhan?
"Yes! Sino po ba kayo?" mataray na tanong nito at nag-flip hair pa.
Aba, bakla 'to. Parang si Jin hyung eh.
"Kilala niyo ba si Woozi?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Napansin ko naman yung batang babaeng kasing cute ni Woozi. Nakakatuwa, bagay sila ng sisiw ko~
"Um, opo! Sino po ba kayo? Bakit po kayo naka-facemask? Criminal po ba kayo?" nagtatakang tanong nung batang babae.
First time pa lang nila ata akong nakita.. well, ako lang naman ang may swaeg at gwapong ama ng inyong kalarong si Woozi~ Ahe.
"Um, uh.. hindi. Mabaho kasi ang gums ko kaya naka-facemask ako. Nga pala, tito ako ni Woozi. Nasaan siya?" I lied na tito ako ni Woozi, pero di ako nagsisinungaling about dun sa mabaho yung gums ko. Di kasi ako nakapag-toothbrush. ㅋㅋ
"Uh, ang alam po namin umalis sila ng mommy niya. Di ko lang po alam kung saan sila pumunta.." sabi nung bata na naka-babytalk. Kyaaaa~ Ang cute talaga!
"Salamat ah. Ano nga palang pangalan niyo?" nakangiting tanong ko.
"Yeojin po!"
"Yeojin? Ang cute naman ng name mo, parang ikaw.. ang cuteee~ mo!" sabi ko habang gigil na gigil kong pinisil ang pisngi niya. Sorry ah? Ang cute mo kasi talaga!
Nung una medyo nasaktan ata siya dahil hinimas-himas niya ang pisngi niya pero maya-maya ay nakita ko naman siyang ngumiti.
"Eh ikaw?" tanong ko dun sa batang lalaki pala na may long hair na kulay blue.
"Jeonghan po," sagot nito.
Ah, ang ganda ng pangalan. Kasing ganda ng buhok niyang parang pina-rebond.
BINABASA MO ANG
Min Yoongi is a Daddy? [SLOW UD KAC SLOW DIN ANG OTOR]
Fanfiction"Ano nga ba ang mas mahirap: ang MAGMAHAL o ang MAGMURA?" ********** "Hello daddy!" .... Anong sabi niya? Hello daddy?! Ako? Isang daddy?! Teka, joke lang naman siguro 'to diba? Dahil... hindi pa ako handang tawaging daddy--- Daddy Yoongi! Paano...