TPC-Chapter 5

38.1K 722 15
                                    

"You?!" "Ikaw?!" Magkasabay naming sigaw.


Ohmygod. Hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko. Muntik na akong tumumba sa kinatatayuan ko dahil sa panginginig ng tuhod ko. Wth. Bakit siya nandito?


Matapos niyang makarecover sa pagkagulat, gamit ang mabibilis na hakbang ay pinuntahan niya ako. Waaah. Lord, ano bang kasalanan ko at nagkaganto ang buhay ko?


Tumahimik ako sandali at nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na natigilan siya sa ginawa ko. Unti-unti siyang lumapit saakin, sige lang, lumapit ka.. Nang makalapit siya saakin ay hinawakan ko na ang pinakamalapit na folder saakin at pinagpapalo ko sa kanya!


"Walangya ka! Bakit ka nandito? Bakit ka pa bumalik?" Gigil na sabi ko habang pinapalo siya, panay naman ang iwas niya at ginawa niya pang pansalag ang kamay niya na lalo ko namang ikinina-inis.


"Y-ysa.. W-wait nga, ibaba mo m-muna yan." Sabi niya habang patuloy na sinasalag ang kamay ko. "I-i will explain!" Aniya. 


Isang malakas na hampas ng folder ang ginawad ko sa kanya bago ko tinigilan ang paghampas ng folder sa kanya. Kulang pa nga yon!


"Explain!" Madiin na sabi ko sa kanya.


Napakamot naman siya sa kanyang batok bago siya magsimulang magsalita.


"Sweetheart naman.." Tinignan ko siya ng matalim. Sweetheart-sweetheart pa ang loko. 


Nakita niya siguro na habang tumatagal ay mas patalim ng patalim ang tingin ko sa kanya kaya nagsimula na din siyang magpaliwanag.


"Okay.." Huminga muna siya ng malalim. "Balak talaga namin nila Mom na umuwi agad pagkatapos ng isang taon naming pamamalagi sa Canada ang kaso, hindi na pumayag si Dad dahil mas maganda daw kung doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Alam mo naman na masyadong paranoid si Dad para sa future namin. Promise, nag pumilit ako na bumalik dahil alam ko na nangako ako sa at alam ko din na ayaw mong sinisira ang pangako sayo. Pero ayaw talaga pumayag ni Dad, at dahil wala pa akong sariling pera  'non at dependent padin ako sa kanya, wala akong nagawa." Mahabang paliwanag niya. Alam ko na strict si Tito Emmanuel basta't patungkol sa future ni Oli dahil nag-iisang anak lang siya. 


"Oo na, kung hindi ka lang gumwapo Oliver Carter ay hindi na talaga kita patatawarin!" Pabirong sabi ko sa kanya. Lumaki nanaman ang ngisi niya dahil sa napuri ko siya. 


"Yieh, crush mo na ako ngayon?" Sinundot-sundot niya pa ang baywang ko. 


Ano daw? Crush? siya?


"Hoy mandiri ka nga! Best friend kita slash kapatid, para na din akong pumatol sa kapatid ko!" Sabi ko sa kanya. 


Bata palang kami, kaming dalawa na ang laging mag kasama, lagi akong pinagtatanggol niyang e, siya ang Knight in Shining Braces ko. Haha. Naka-braces pa kasi ang ngipin niya noon.

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon