Ysabelle Contreras
"Doc, what happened to her?"
Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.
"Bumalik na sa normal ang beat ng pulse niya, maaring nababad lang siya ng matagal sa tubig kaya bumagal kanina, I can't bring all of my things here so I recommend you to go to a hospital for further consultation.." Sabi naman ng isa pang boses.
I tried moving pero hindi kaya ng katawan ko. I want to see kung sino ang nagsasalita.
"Thank you Doc, I am very sorry for the urgent call." Si Lucas...
"It's fine Mr. Fortier, ano pa ba at family doctor nyo ako. You can call me anytime if you need anything. Right now, just wait for her to wake up." Sabi ng isa pang boses na hindi pamilyar saakin. Maybe it's the doctor
Narinig ko ang papaalis nilang yabag pati na din ang pagbukas-sara ng pinto. I tried opening my eyes pero hindi ko magawa. Ilang ulit ko itong sinubukan bago tuluyang bumukas ang mga mata ko.
Umupo ako mula sa aking pagkakahiga. Medyo masakit pa ang ulo ko. What the hell happened to me? Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa kaliwang kamay ko na mayroon palang dextrose. Namutla ako da nakita ko. Can I take it off? I really hate needles. Mas okay pa saakin ang walang gamot!
Sinubukan kong tanggalin ito pero natatakot ako na baka dumugo. Tatanggalin ko sana ng tuluyan ng may sumigaw.
"Don't!" Sigaw ni Lucas. Mabilis at malalaking habang ang ginawa niya para marating ako. Tinanggal niya ng dahan-dahan ang kamay kong akmang tatanggalin na ang dextrose. "Anong ginagawa mo?!" Galit at takot ang nakita ko sa kanyang ekpresyon.
Nahiya naman ako sa ginawa ko. I feel like a burden to him. Am I childish dahil ayaw ko na may nakatusok na karayom sa kahit na anong parte ng katawan ko? Pakiramdam ko ay pabigat ako kay Lucas. I don't like this feeling. Lumapit siya saakin tapos ay umupo saakin tabi.
Narinig ko ang kanyang malalim na buntong-hininga. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kama. Akala ko ay aalis siya pero hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako.
"I was so worried about you, nung makita kitang walang malay sa bath tub kanina, parang tumigil ang mundo ko, huminto ang lahat ng bagay sa paligid ko. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng 'to. Please take care of yourself next time, hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sayo." Madamdaming sabi niya. I can feel the frustration in his voice.
I hugged him back. Mas pinahigpit niya ang kanyang yakap ng maramdaman niyang niyakap ko din siya pabalik.
I can't talk, my throat felt dry.
Nalunod ba ako? Ang huling natatandaan ko lang ay nagbabad ako sa bathtub. I think I fell asleep.
Kumalas mula sa yakap si Lucas. Tinignan niya ang mukha ko. Namula naman ang pisngi ko dahil sa titig niya. Mukha siguro akong bruha ngayon.
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General FictionAlam ni Ysabelle ang rule ng one night stand. Fvck and go. Pero paano kung hindi siya bitawan ng Demigod na naka-one night stand niya? And He's very possesive too.