TPC-Chapter 21

24.1K 396 22
                                    

Ysabelle Contreras


"Ano bang nangyayari sayo Mitch? Hindi na kita mahagilap." Sabi ko sa aking telepono.


"Don't worry, malalaman mo din ang tungkol dito.. Soon." Malungkot na sabi ni Mitch mula sa kabilang linya.


Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Kahit sa tawag hindi siya sumasagot, ngayon lang.


Palagi kasing kinikimkim ni Mitch ang mga problema niya para sa kanyang sarili. Hindi siya masyadong nag-oopen up kapag tungkol na sa problema niya ang pag-uusapan.



"Come on Mitch, let me help you. Para saan pa ang at naging best friend kita ha?"


"Let's go Mitch! Dadaan pa tayo ng flower shop!"


Narinig ko na sabi ng isang lalaking boses mula sa background.


"Ah- eh.. Una na ako Ysa, ah? Sasabihan nalang kita. I miss you!" Nagmamadaling sabi niya tapos ay pinatay niya na ang tawag.


Parang malaki ang problema ni Mitch ah? Tsaka sino naman kaya yung lalaki na nagsalita kanina? Parang pamilyar yung boses niya saakin.


Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko. Dapat na akong mag-ayos dahil baka dumating na si Lucas.


Hindi na nga ako nagkamali dahil may bumusina na sa labas ng bahay ko. Sinilip ko ang aking bintana. Nakaparada na sa labas ng gate ko ang Red Henessessey Venom GT. Nabasa ko sa isang article na ang sasakyan ni Lucas ay ang pinakamabilis na sasakyan sa buong mundo. Hindi na ako nagtataka na mayroon siyang ganyan.


Bumaba na ako sa hagdan para pagbuksan siya ng gate. Simula ng magka-ayos kami. Araw-araw niya na din akong hatid-sundo.


Binuksan ko ang gate para maparada niya sa loob ang sasakyan. Mayroon pa naman akong isang oras para mag-ayos.


Pinasok ni Lucas ang kanyang sasakyan tapos ay lumabas na dito. He's wearing his one million dollar smile. Makalaglag panty ang ngiti niya. Para bang gusto niya akong tunawin sa kinakatayuan ko.


Inabot niya saakin ang bouquet ng bulaklak na dala niya. Tinanggap ko ito. White Daisy siya ngayon, sinilip ko ang card- This flower conveys loyal love. My love for you is loyal, you're my only one. Good morning beautiful! -L.F <3


May naramdaman akong kiliti sa katawan ko. Kinikilig ba ako? Oo naman! Kahapon ang dala niya ay Stock. Kahapon lang din ako nakakakita ng ganoong bulaklak. Ang nakalagay ay sa card ay- Long lasting beauty. I know you're still as beautiful as now until our hair turns gray. -L.F <3


Mukha na ngang flower shop ang bahay ko dahil sa mga bulaklak na binibigay niya. I really don't mind because I really love the scent of the flowers.


"I brought breakfast." Nakangiting inangat niya ang isang paper bag na sa tingin ko ay galing sa isang mamahaling reastaurant. I hope hindi gulay ang laman!

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon