TPC-Chapter 11

32.8K 705 34
                                    

Ysabelle Contreras

Patuloy pa din ang biyahe namin ni Lucas. May isang oras na kaming bumibiyahe at may isang oras niya na din akong kinukulit upang tignan siya dahil hindi ko siya matignan magmula nang halikan niya ang pisngi ko.


"Ysabelle, look there's a cockroach on your seatbelt!" Halatang pinepeke niya ang takot sa kanyang boses. Pangatlong beses niya nang sinasabi ang cockroach na yan as if may ipis dito sa loob ng mamahalin niyang sasakyan.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


Patuloy lang ako sa pagtingin sa bintana. Pakiramdam ko ay magkaka-stiff neck na ako.


Sa wakas ay naiba ang pwesto ng leeg ko nang nag-ingay ang cellphone ko tanda na may tumatawag dito.


Kinuha ko ito mula sa shoulder bag ko at nakitang si Oliver ang tumatawag.


Lumingon muna ako kay Lucas bago sagutin ang tawag, nakita ko ang mata niya sa screen ng aking iPhone.


Sinagot ko na ang tawag, "Hi Oliver! Anong kailangan mo?"


"Kapag ba tumawag sayo may kailangan agad?" Naghihinampong wika ng taong nasa kabilang linya.


"Yes, sanay na ako sayo! What do you need?"


"Nothing, I just want to check on you."


"Sure? Wala kang kailangan?" Pangungulit ko. Lagi kasi talaga siyang may kailangan saakin sa tuwing tinatawagan niya ako.


Humalakhak naman siya bago nagsalita.


"Wala nga, so, nasa biyahe ka na ngayon?"


"Yup!"


"Take care okay? Call me if you need anything, bye na! Baka mapatay na ako ng driver mo!"


"A-anong pinagsasabi-" Hindi ko na natatapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya na ang tawag.


Marahas kong binaba ang iphone ko at tinitigan ang screen, binabaan niya ba ako ng tawag? Kainis!


"Ehem." Tikhim ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya.


Madilim ang mukha niya, parang may itim na ulap sa taas ng ulo niya.


"Sino yung tumawag?"


Tumingin muna ako sa phone ko bago sumagot.


"Iyon ba? Si Oliver 'yon."


Hindi na siya tumugon sa sinabi bagkos ay naging tahimik lang siya sa pagdadrive. Bipolar ba siya? Kanina lang ang kulit-kulit niya tapos ngayon para siyang Leon na bawal istorbohin sa pagmamaneho dahil bigla ka nalang nitong sasakmalin.

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon