"Oh? Bakit ka nakanguso dyan?" Panunuplado ni Lucas sakin.
Mas lalo ko pang pinahaba ang nguso ko. Naiinis kasi ako sa kanya.
Inirapan ko muna siya bago ako tumalikod sa kanya. Humarap ako sa kabilang side ng sofa.
Naramdaman ko na may kinalabit niya ako pero nagmatigas pa din ako kaya hindi ko siya nilingon.
Muli kong naramdaman na kinalabit niya ako kaya mas lalo akong lumayo sa kanya.
Naramdaman ko na bahagyang lumundo ang bahagi ng sofa sa tabi ko kaya alam ko na lumapit siya saakin.
"Ysabelle.." Sabi niya sabay lagay ng kamay niya saaking balikat. Nagtaasan naman ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.
I decided to shrug off my shoulders para mawala ang pag kakahawak niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak niya dito.
"Babe, alam mo naman na hindi pa tayo pwedeng bumalik ng manila dahil hindi ko pa din kayang makita si Santos!" Nagtatampo niyang sabi.
Kanina ko pa kasi siya pinipilit na umuwi ng manila dahil marami kaming trabaho na naiwan. Hindi ko gusto na naiipunan kami ng trabaho. Pero kanina niya pa idinadahilan ang ginawa ni Adrian na panghaharana para hindi kami makabalik.
"Bahala ka." I said firmly. Sobrang kulit e. "Maiipunan tayo ng trabaho dahil sayo!" Dagdag ko pa.
Pilit niya akong hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko upang magtama ang mga mata namin.
"Babe.. I can handle everything. Para san pa at ako ang CEO diba?" Sabi niya.
Inirapan ko naman siya. "Ako naman ang secretary mo kaya alam ko na ako ang mahihirapan kung hindi pa tayo uuwi ngayon. Umuwi na kasi tayo!" Sigaw ko.
Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha niya.
"Why? Gusto mo bang makita si Santos kaya gusto mo ng umuwi? Dapat talaga finire ko na siya!" He said angrily. What the.
Hindi niya pwedeng i-fire si Adrian dahil napag-usapan na namin iyon. It's normal for a person to like someone. Hindi naman kasalanan iyon ni Adrian kung nagka-gusto siya saakin.
Kinurot ko siya sa braso.
"A-aray! Babe!" Hiyaw niya habang iniiwas ang braso niya saakin. "Hindi pa nga tayo, battered boyfriend na agad ako!"
"Hoy Fortier! Napag-usapan na natin 'to ha!" Sabi ko saka tinigil ang pagkurot sa kanya.
Hindi nakaligtas sakin ang make-face niya at ang pagsimangot. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya mas lalo lang siyang sumimangot.
Tinignan ko ang braso niya kinurot ko. Namumula na ito.
Hinawakan ko yun at hinimas.
"Masakit?"
Mas lalong nalukot ang mukha niya.
"What do you think?" Sabi niya habang nakanguso.
He looks adorable.
"Sorry.. ikaw naman kasi e." Hinipan ko ang sugat niya para hindi na ito humapdi.
"You think matatanggal yan niyan?" Sabi niya. Umiling naman ako. I know na hindi iyon kayang matanggal ng ganon lang. "I think you can kiss it. Para naman mawala yung sakit." Nakangising sabi niya.
K-kiss? What?
Akmang hahampasin ko siya pero nahawakan niya na ang kamay ko. Mabilis na nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya agad niya akong nanakawan ng halik sa labi.
"I missed your sweet lips"
Natulala naman ako sa ginawa niya.
"Lucas!!!" Tili ko ng makabalik ako mula sa pagkakatulala. Gosh!
Agad siyang tumabo papuntang kusina na parang bata kaya hinabol ko siya.
"Mag stay muna tayo dito please? 1 week." Sabi ni Lucas habang nanonood kami ng movie dito sa sala.
"Two days."
"Five days."
"Okay! Three days! Yun na yon!" Sabi ko. Baka kasi makipag tawaran pa e.
"Yes! Three days. Get ready for that three days babe!"
Lucas Fortier
I can't still forget what that Adrian guy did. Ni hindi ko pa nga nagagawang haranahin si Ysabelle. Mabuti nalang at naisipan ko na sundan siya nung nag paalam sya sa akin na alis sya dahil may naramdaman ako na may hindi magandang mangyayari.
I look down at the beautiful lady who is now sleeping peacefuly on my lap. Hinawi ko ng dahan-dahan ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa kanyang makinis na mukha.
I felt my hart skipped a beat while looking at her gorgeous face. Damn, ang ganda nya talaga at hindi ko hahayaan na may makaagaw sa kanya. Hindi si Santos, hindi si Mendez at kahit na sino pa mang lalaki. Walang makaka-agaw sa kanya hangga't nabubuhay ako sa mundo.
They need to kill me first before they can get her.
I've waited so long for you my Ysabelle and I had no plan on letting you go
---
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! <3
BINABASA MO ANG
The Possessive CEO
General FictionAlam ni Ysabelle ang rule ng one night stand. Fvck and go. Pero paano kung hindi siya bitawan ng Demigod na naka-one night stand niya? And He's very possesive too.