TPC-Chapter 9

35.6K 784 14
                                    

Ysabelle Contreras


Bakit hindi ako maaring makita ng iba na ganito ang itsura?


Hinawakan ko ang leeg ko pababa sa itaas ng dibdib ko. Ramdam ko pa din ang haplos ng mainit na kamay ni Lucas 'don. Umiling ako upang maalis sa isip ko ang tagpong iyon.


Inilibot ko ang mata sa loob ng opisina ni Lucas. Dalawang araw na ako sa kompanya niya pero ngayon ko lang natitigang mabuti ang loob ng opisina niya. Sa disenyo at kulay palang ay alam mong lalaking-lalaki at may autoridad ang may-ari ng opisinang ito. Kaunti lang ang gamit pero halata mong mahahalin ang mga ito.


Tumagal ng kwarenta minutos at wala pa din si Lucas kaya naisipan kong umidlip muna dahil kanina pa ako inaantok. Malambot ang sofa niya at amoy na amoy naman ang pabango niya sa opisinang ito.. hindi ko na pinansin ang paligid at nakatulog na ako..


*kring kring* *kring kring*


NAGISING ako dahil sa isang nag-iingay na telepono. "Hmm.."  Pupungas-pungas pa ako bago ko binuksan ng tuloyan ang mga mata ko.


"Ay shit!" Napatayo akong bogla ng mapagtanto ko sa aking sarili na wala pala ako sa bahay at nasa opisina pa ako. Agad naman akong tumingin sa orasan na nakasabit sa pader para makita kung anong oras na.


It's freakin' 8:26 PM! Tapos na ang office hours! Ugh. Pabagsak akong umupo sa sofa. Nakakahiya kay Sir Lucas!


Napatingin naman ako sa isang kulay grey na tela na nasa sahig. Inangat ko ito at nakitang ito pala ang suot na coat ni Lucas kanina. Kaya siguro hindi ako nakaramdamdam ng sobramg lamig kanina. Inamoy ko ito at amoy na amoy ang pabango ni Lucas.


Habang inaamoy ko ito ay biglang bumukas ang pinto na higit na gumulat saakin. Pero nakakahiya dahil nahuli ako ni Lucas na inaamoy ang coat niya na parang aso! Oh Lord, why oh why? May nagawa ba akong kasalanan?


"You don't have to smell that, you can have me instead." Sabi niya na mas nagpapula sa pisngi ko.


Tumikhim naman ako bago sumagot. "A-ah, hindi ko po inaamoy Sir. Umh, titiklopin ko na po sana! Yun! Titiklopin ko!" Sabi ko na para bang kinukumbinsi ko ang sarili ko na maniniwala siya sa lame alibi ko.


Narinig ko ang mahina niyang halakhak. "Okay, you don't have to be defensive." Aniya habang natatawa pa din. "Gusto mo bang mag dinner? I won't take a no from you."


Nakatingin siya saakin ang bakas ang kaligayahan sa mukha niya. Pero dahil mabait ako ay tumango ako upang paunlakan ang paanyaya niya, I guess hindi ko kayang mawala yung saya sa mga mata niya.


Nag-ayos ako bago kami umalis dahil ayaw niya akong hayaan na lumabas ng office ng ganon ang itsura. Siya pa mismo ang kumuha ng blazer ko na nakalagay sa table ko sa labas.


Nang sa wakas ay naka-ayos na kami, tumungo kami sa isang restaurant malapit sa bahay ko. Alam kaya niya kung saan ako nakatira?

The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon