TPC-Chapter 20

23.5K 512 22
                                    

Ysabelle Contreras


Apat na araw. Apat na araw ko ng iniiwasan si Lucas. Hindi naman sa ayaw ko sa pagiging possessive niya. Kaya lang sobra na. Pinalagpas ko ang ginawa niyang babala kay Adrian. Pero hinding-hindi ko mapapalampas ang kay Oliver. Oliver was also his friend fo Pete's sake!


It all started the second day after ng lunch na nangyari saaming tatlo nila Adrian. The second day ay inaya ako ni Oliver na kumain sa labas dahil namimiss niya na daw ako. Kumain kami sa labas ng hindi nagpapa-alam kay Lucas dahil wala naman siya sa office.


The day after that. Nabalitaan ko na pinull-out ni Lucas ang stocks niya sa company ni Oliver. Sino ba naman ang nasa katinuan ang gagawa non? I understand that he's possessive but I think it's too much. Hindi porket hindi pa kasing laki ng company nila Oliver ang company niya ay pwede niya ng gawin ang kahit anong gusto niya.


Isang malaking kawalan ang ginawa ni Lucas kaya naman namroblema talaga si Oliver. Of course dahil may problema siya, damay din ako don. I think everything is my fault. Sinisisi ko ang sarili ko. Sa ngayon ay wala pa din akong balita sa company nila Oliver.


Simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya pinansin. Siya naman itong gumagawa ng paraan para mapansin ko siya. Kagaya nalang ngayon.


"Ysabelle, come inside my office." Sabi ni Lucas mula sa intercom.


Padabog akong tumayo sa swivel chair ko at saka pumasok sa office niya. This is the fifth time na pupunta ako sa office niya. For every three minutes ay pinapapunta niya ako dito.


"What do you need Sir?" Tanong ko ng may buong pagtitimpi.


"Can you please get my pen? It's at the top of my coffee table." Sabi niya.


Another nonsense na utos. Kanina pa siya ganyan. Wala ba siyang paa at kamay?


Sinunod at ginawa ko nalang ang utos niya. Bilang boss ko pa din siya ay wala akong reklamo na sinunod ang utos niya.


"May kailangan pa po kayo Sir?" Walang emosyon na sabi ko.


Nagbaba siya ng tingin at pinaglaruan ang takip ng kanyang ballpen.


"Ahm, gusto mong mag lunch kasabay ko?" Tanong niya na parang kinakabahan.


Maybe he is nervous that I might reject his offer.


I smirked. Agad ko naman itong pinalitan ng isang naglulungkot-lungkutan na mukha.


"I'm very sorry Sir, may kasabay na kasi ako." I said my apologetic voice.


Nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya ngunit agad din itong napalitan ng pagka-alarma. Bakit?


"With whom?" Madilim ang mukha niya.


The Possessive CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon