Ace POV
Prente akong naka upo sa likod ng kotse habang pumipili ng magandang kanta na ipapatugtog.
Nanggaling kami sa bahay ng head boss, ipinatawag kami kanina para e-report ang mga profile nung mga milyunaryong bumibili ng baril sa Archfiend tapos magbebenta ng peke.
Hindi ko alam kung bakit 'Archfiend' ang pangalan ng organisasyon nila Sir Vlad.
Siguro dahil demonyo nalang sa demonyo tapos ay mabait minsan sa mabait hahahaha potangina.
Pangalan palang nakaka demonyo na.
Muntik na akong mauntog ng biglang pumreno ang putangina kong kambal.
Syempre mas gwapo naman ako sakanya.
"BMW Vantablack VBX6, likuran ng Mazda 3. observe mga gago."
Hinanap namin ang sasakyang sinasabi ni space at inobserbahan ito ng ilang sigundo.
Napangisi kami ng mahalatang sinusundan nila ang sasakyan ni maam sav.
Pauwi narin kasi kami nung nakita namin syang nagpaalam sa head boss, in short. Lolo ni Eunice na tatay ni sir Vlad.
Kaya napagkasunduan naming ihatid nalang sya, hindi panga sya pumayag buti at nakumbinsi ni Bossing.
Hindi naman talaga kami nag ta-trabaho noon kay sir Vlad, ang katunayan nyan ay sa daddy nya kami nag ta-trabaho.
Kinuha nya lang kaming taga bantay ni Eunice kasi nakita nya yung potensyal namin.
Simula pagka bata ay nagta-trabaho na kami sa lolo ni Eunice, pero nung isang taon lang namin sya na kilala kasi hindi naman sya pumupunta sa building ng Archfiend at wala talaga syang kaalam - Alam sa mga ganitong bagay.
Nung isang taon lang din kaming nagsimulang bantayan sya.
Sayang nga, kung na kilala sana sya namin noon edi mas naging kasaya - saya childhood namin.
Solid ang kabaliwan nung isang yun.
Tinawagan ni Kenneth si ma'am sav at pinaalam ang nangyayari kaya napagpasyahan nyang bilisan ang pagpapatakbo.
Mag a-alas nwebe na ng gabi at may mahigit trenta minutos pa para maka rating kami sa highway ng city.
Medyo kakaunti lang ang dumadaan dito at kakaonti din ang mga bahay bahay.
Nakita naming medyo humina ang takbo ng kotse ni ma'am sav at ilang sigundo ay nag ring ulit ang cellphone ni Kenneth.
Nang masagot ay napa ayos sya ng upo mula sa pagkakasandal sa headrest ng passenger seat at kinuha ang baril nya na nasa glove compartment ng kotse.
Kaya naman kinuha ko din ang baby blue ko na nasa ilalim ng upuan at nilagyan ng bala.
YOU ARE READING
Aloof Mafia Boss ࿇
Action" If loving you makes a man stupid, well then I'll be the fckng proudest stupid man of yours. " -Hansel Daxon Knight