◈ ━━━ CHAPTER 23⸙ ━━━ ◈

5.9K 157 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Andria's POV

Kakatapos lang ng exam at naglalakad na ako palabas ng building ko.

Tinext ko kanina si eunice na doon nalang kami  magkikita sa parking lot at sabay kaming dadalaw kay tita sav.

Tumigil ako saglit at tumingala sa langit.

Makulimlim, siguradong uulan nanaman.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa field.

Napatingin ako sa kumpol kumpol na estudyante sa gitna na parang may pinag pi-piyestahan.

'tss spoiled brats'

Hinayaan ko sila at tinignan ng ilang minuto bago magpatuloy , wala akong pakealam sa kanila.

"Miss Andi!! Miss Andi!!"

Napalingon ako sa tumawag saakin at napa kunot noo ng makilala kung sino ito.

Isa sya sa inutusan ni Pietro na bantayan si Eunice kung sakaling may mga estudyante nanamang magtatangkang bullyhin sya.

Hindi marunong lumaban ang isang yun kaya ang sarap sapukin.

Nang makalapit ang lalaki sa akin ay habol ang hiningang napahawak ito sa tyan at ipinahid ang tumutulong pawis mula sa noo.

Tinaasan ko sya ng kilay para ipahiwatig na nag hihintay ako sa sasabihin nya.

"Si - si Miss Eunice po". Humigot muna ito ng hangin bago mag salitang muli.

"Si miss Eunice pinagkakatuwaan nanaman nina Bianca!"

Nang marinig yun napa buntong hininga ako.

Kailan ba matututo ang isang yun.

"Ok, pwede kanang umalis".

Sabi ko at nagpatuloy na sa pag lalakad papunta sa parking lot.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mag babait - baitan sya.

Eunice POV

Tinignan ko si Irish na nakayukong naglalakad mula sa tabi ko. Mahigpit ang hawak nito sa strap ng sling bag nya kaya alam kong pinipigilan lang nito ang sariling mapaiyak.

Kumalat  ang picture nya na kasa-kasama ang isang lalaki sa iisang kwarto.

Nakapikit sa picture si Irish samantalang naka tingin sa camera ang lalaki, kung hindi dahil sa kumot ay siguradong iba ang papasok sa kokote mo.

Halos  lahat ng estudyanteng madadaanan namin sa hallway ay siguradong sya ang pinag uusapan.

"Omg! Akala mo kung sino syang anghel may tinatago din pala".

"Tama! Baka ibenenta ang sarili dahil diba nalugi ang company nila?"

Tahimik kong tinignan ang reaksyon ni Irish at nakitang mas humigpit ang hawak nito sa strap ng sling bag nya.

Aloof Mafia Boss ࿇Where stories live. Discover now