Andria's POV
Nalingat kami kakanood kung kaya ay hindi kona na nagawa ang dapat kong gawin.
Umalis ako sa pagkakaupo sa sofa at binatukan si Pietro na nasa paanan ko.
Naka upo kasi kaming mga babae sa sofa samantalang ang mga lalaki ay nasa sahig. Maliban nalang sa Bossing nila na naka sandal lang buong maghapon sa pader.
Simula kasi nung dumating sila ay nag aya ang isang miyembro na manood nalang daw kami ng series sa Netflix.
Kaya hanggang ngayon ay nanonood parin kami at hindi na namalayan ang oras.
"Ano nanaman Andi?"
Salubong ang kilay na tanong ni pietro habang hinihimas pa ang parte na binatukan ko.Nasa kalagitnaan na kasi ng palabas kung saan ililigtas na nung lalaking bida yung doctor na babae sa mga manyak na mga inmates. Si Kleo ang nag suggest ng pinapanood naming series at kahit nasa season 1 palang kami ay nagustuhan kaagad namin ito.
Kung hindi ako nag kakamali ay 'Prison Break' ang tittle ng palabas.
"Tsk makikidaan ako".
Matapos sabihin ay walang reklamo naman kaagad itong humilis at binigyan ako ng daan para maka labas.
Pumunta ako sa bintana malapit sa kinatatayuan ko at hinawi ang makapal na kurtina, nang makitang madilim na ay napa tingin kaagad ako sa relo.
Mag a-la syete na ng gabi.
Ibinalik ko ang tingin sa kanila habang tutok na tutok ang mga ito sa malaking screen ng tv.
Mukhang wala pa silang balak na mag si alisan kaya naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na mall.
Isa pa ay nagugutom narin ako, kaunti nalang ang stock naming pagkain dito at hindi yun kakasya sa pang pitong katao.
Kinuha ko ang jacket at hinanap ang susi sa bulsa.
"San ka punta Insan?".
Nilingon ko si Eunice na nasa sofa parin at hindi ina-alis ang tingin sa tv
"I'll buy us something to eat".
Sabi ko habang chinicheck ang schedule ng pag pasok ng nurse ni tita Sav para mag inject ng gamot.
Nang matapos ay bumalik ako sa kanila at humarang sa tapat ng screen kaya halos mag reklamo kaagad ang mga ito.
Lmao, those face! Haha
Kinuha ko ang remote sa harap nila at pi-nause ito.
"So may ipapabili kayo?".
Tanong ko.
"Sama ako insan!".
Tinanguan ko nalang si Eunice dahil tinatamad akong maki pag debate sa kanya."So?".
Mukhang nag iisip pa ang mga ito kaya nag hintay muna ako saglit.
YOU ARE READING
Aloof Mafia Boss ࿇
Action" If loving you makes a man stupid, well then I'll be the fckng proudest stupid man of yours. " -Hansel Daxon Knight