Eunice POV
Pinigilan ko ang sariling mahikab nanaman sa harap ni insan, malapit na kami sa school at pilit kong pinipigilan ang sariling mapapikit sa sobrang antok.
Ayoko namang may mahalatang kakaiba si insan kung kaya ay pinilit kong imulat ang mga mata habang nasa loob pa ng sasakyan.
Mamaya ay baka sabunin pa ako nyan ng tanong.
Saktong nasa parking lot na at lalabas na sana ako ng kotse nang pigilan nya ako.
"Nag puyat kaba eunice?". Dahan dahan ko syang nilingon at pinigilan ang sariling wag ma utal sa harap nya. Alam na alam nya kung nag sisinungaling ako o hindi kaya dapat kapani-paniwala ang sagot ko.
Ginawa ko naman ang lahat para hindi nya mahalata pshh. "Wag kang mag sinungaling, may ginawa kaba kagabi?". Taas kilay nyang tanong at pinag cross pa ang kamay. Nag isip ako ng mabilis at sakto namang naalala ko ang kakabili ko lang na skin ni Nana sa ml.
"Hehe, ano kase - n-nag laro ako kagabi ng ML. Loose streak kaya nag puyat ako, nag babakasakaling manalo. Ka bwesit kasi ang mga kasama ko, nan t-trashtalk pag nana ginagamit ko". Seryoso ang pagkakasabi ko at siniguradong hindi sya magda dalawang isip.
Inirapan lang ako nito at nauna nang mag lakad kaya palihim akong napangiti. Pft andali talaga utuin nun. Nang maka rating sa room ay kaagad akong sumalampak sa upuan at ipinikit ang mga mata. Sobrang antok talaga ako, mag a-alas kwatro na ng madaling araw ako naka uwi. Pero worth it din, nag enjoy naman ako.
As usual ay dumeretso na ako sa room at nag hintay pa ng ilang minuto bago dumating ang prof namin. Mabilis lumipas ang oras at pang huling klase na namin, naka halumbabang tinignan ko ang oras sa hawak hawak na cellphone. Ilang minuto nang late ang prof kaya nag e-expect na kaming absent ito.
Sinulyapan ko ng tingin si Irish at nahuli ko itong naka tingin sa akin kaya mabilis nitong iniba ang tingin. "Nagugutom na ako Eunice, kain tayo?". Tanong nito na kaagad kong tinanguan. Hindi kami masyadong naka kain ng madami kaninang lunch dahil sa pinagawang case study, sprite at sandwich lang din ang kinain ko samantalang burger ang sakanya at tubig.
Napatingin kami sa pintuan ng room ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko."Sino dito si Eunice?". Tanong ng isang estudyanteng habol ang hininga habang naka hawak pa sa door knob ng pintuan. Tumingin ang lahat ng ka klase ko sa gawi ko kaya itinaas ko nalamang ang isa kong kamay. Sinundan nito ng tingin kung saan nakatingin ang mga kaklase ko at kaagad itong napa buntong hininga na para bang nabunutan ng tinik.
"Pinapatawag kayo ni Bo-este ni Daxon". Pagka tapos sabihin ay napakamot pa ito sa ulo. Kahit naguguluhan ay tumayo nalamang ako at tinignan si Irish. "Tara". Sabi ko at nauna ng lumabas sa room, naramdaman ko namang sumunod ito saakin.
YOU ARE READING
Aloof Mafia Boss ࿇
Action" If loving you makes a man stupid, well then I'll be the fckng proudest stupid man of yours. " -Hansel Daxon Knight