T.U.L Chapter 64 - Alexandra ?

498 29 3
                                    

(Brace POV)

"Alexandra ?"

Alexandra siguro ang pangalan niya ? ang ganfa ng pangalan bagay sa kanya teka bakit ba kasi siya nakahandusay dun sa pampang ? Naanod lang ba talaga siya ? O may iba pang nangyari sa kanya ?

"HUY !!!! BRACE !!! Sinong Alexandra ka jan? At  baka matunaw naman yang babae na yan ha kung makatitig ka eh mga galawan mo noh" sabi ni Joaquin habang tumatawa silang tatlo

"Shhh !!! Wag kang maingay baka magising ! siya. Teka anong galawan ang sinasabi mo jan ha ?" sabi ko sa kanila

"Sus nako naman Brace wag ka ng mag deny kilala ka namin . May gusto ka sa kanya noh ?" sabi ni John habang tumataas baba pa yung dalawa niyang kilay luh ? may tama ba siya ?

"Hay nako wala akong gusto sa kanya at grabi kayo ha kakakita lang natin sa kanya may gusto na agad ako ?" Kainis tong mga kaibigan ko kung ano ano ang pinag iisip

"Sus oo na nga lang hahaha basta kung gusto mo man yang babaeng yan eh suportado kami sayo hahaha" sabi ni Grae at pinandilatan ko siya ng mata ko

"SHHHHH !!!! tumigil nga kayo dinadamay niyo pa yung inosenteng babae sa mga kalokohan niyo" sabi ko narinig naming nagsalita yung babae

"Tulong ! Tulong ! Tulong  !" sabi nung babae , huh ? Bakit siya humihingi ng tulong ? Siguro kasama ata siya sa lumubog na barko pero inanod siya siguro ganun nga ?

"Brace nagsalita yung babae" sabi ni John

"Malamang ! magsasalita yan may bibig yan eh" pambabara ni Joaquin hahaha tama nga naman siya hahaha

"Shhhh !!!! Wag nga kayong maingay jan at ako eh baba muna para tawagin ang papa mo Brace" sabi ni Grae

at agad na bumaba si si Grae para tawagin si Papa

"TULONG !!!!!!" sigaw nung babae at napatayo ito at ngayon eh gising na siya

(Alexandra POV)

Hindi ako makahinga hindi ko na kayang lumangoy hindi ko na kaya ang lakas ng dagat hindi ko na kaya ito gusto ko ng sumuko

Teka nasaan na ba ako ?

"TULONG !!!!!!" sigaw ko at bigla na lang akong nagising at napatayo sa kinahihigaan ko

Teka nasaan na ba talaga ako ? , nilibot ko ng mga mata ko at paligid kung nasaan ako nasa isang kwarto ako at nasa kama ako malaki ang kwartong ito , at napatingin ako sa may kanan ko may nakita akong tatlong lalaki pero mas nakaagaw ng pansin ko yung lalaking may dimples

Wait anong nangyari sa akin ? Bakit wala akong maalala ? Nasaan na ba ako ? Teka sino ba ako? Anong pangalan ko ? Sandali lang bakit wala talaga akong maalala ?

Maya maya eh biglang lumapit sa akin yung tatlong lalaki at ako eh nag takip ako ng kumot baka may gawin silang masama sa akin

"AHHHH !!! SINO KAYO ??? !!! " tanong ko sa kanilang tatlo

"Wait Miss wag kang matakot wala kaming gagawing masama sa iyo kaya wag kang matakot" sabi nung lalaking may dimples

"Si-s-sino kayo !! ??? At nasaan ako !!!!!" sigaw ko sa kanila kasi hindi ko naman sila kilala at nagtatanong pa rin ako kung paano ako napunta sa lugar na to ???

"Miss huminahon ka muna wala kaming gagawing masama sayo kaya wag kang matakot" sabi ulit nung lalaking cute na may dimples

"Brace !? Ano nangyari sa kanya ? " may biglang  pumasok na lalaki na medyo matanda na  na 40+ siguro ang edad at may kasama tong isang lalaki na ka age ko lang siguro

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon