Silent Readers Vote and Comment Please
(Sorry late update nawalan kasi kami ng net kagabi kaya hindi ko naupload agad)
(Xandra POV)
Sana isang panaginip na lang ang lahat..
Sana isang bangungot na lang ang lahat ng ito......
Sana isang masamang ilusyon na lang lahat ng ito
Kasi sobrang sakit na, isang linggong walang komunikasyon, isang linggong wala usap usap at isang linggo nang punong puno ng karayom itong puso ko, isang linggo na rin akong hindi pinapatahimik ng mga paru paro ko sa tiyan ko at pakiramdam ko ay nagtatayo na sila ng isang digmaan para pigilan ako sa ginawa kong desisyon
Pero wala na nasabi ko na lahat ng masasakit kahit na labag na labag to sa kalooban ko ay nasabi ko na at wala nang bawian ang lahat ng ito anndito na ako at kailangan ko na lang panindigan to kahit na habang buhay ko itong pagsisihan
Nung gabi na yun na huling paguusap namin ni Zackrey nung lumabas na siya ng gate ng bahay namin ni Brace halos isuka ko na lahat ng mga nasa tiyan ko pakiramdam ko minumura na nila ako at nagsisisi ako na hindi ko man lang naisigaw ang pangalan ni Zackrey para bumalik sa akin, pero nabanggit ko naman kaso huli na nung nabanggit ko ang pangalan niya nakalabas na siya ng gate nun at tsaka umalis ibig sabihin lang nun wala ng Zackrey sa buhay ko wala na kaming komunikasyong dalawa at nasayang na ang mga memories na ginawa naming dalawa
"I miss you Zackrey....." bulong ko sa sarili ko habang minemakeupan ako nung make up artist
Oo nga pala sa kakatulala ko dito at kakaisip ng mga masasakit na nangyari sa aming dalawa ni Zackey nawala sa isio ko na ngayin na pala yung kasal naming dalawa ni Brace, ang bilis ng proseso mabilis pa sa alas kwatro hindi ko maimagine na parang kahapon lang yung nangyari sa aming dalawa ni Zackrey, pakiramdan ko binubulabog na ako ng konsensiya ko ngayon, gustong gusto ng puso at isipan ko na umatras sa kasalan na ito kaso ang buong sistema ko naman ayaw makisama hindi ko magawa kasi kapag naiisip ko na naman na nasaktan ko si Zackrey bumibigat na ang kalooban ko at pakiramdam ko din hirap akong huminga ng maluwag
Talagang nakakapansisi pero nandito na ako at napagdesisyunan ko at wala nang atrasan pa The Damage is already Done wala na kaming dalawa ni Zackrey wala na as in wala na talaga kakalimutan na ang lahat nang masasayang pangyayari sa aming dalawa
Ang dapat lang naming gawin ay maging mabuting magulang kay Andre siya na kqng pala ang nagiisang koneksyon naming dalawa bukod dun wala na talaga
Naramdaman ko na namumugto yung mata ko at agad na tumulo ang luha ko at pinunasan ito kaso biglang nagreklamo yung makeuo artist
"Maam Alex naman nagulo yung eye shadow mo oh huwag ka pong umiyak sayang ang ganda mo pa naman" pagsusuway sa akin nung makeuo artist at ngumiti ako ng pekeng ngiti at ni retouch niya yung eye shadow ko
"Sorry naluha lang ako sa tuwa" parang nasamid naman ako sa sinabi ko na yun at parang wawarakin na ng nga paru paro ko yung tiyan ko para sunduin si Zackrey

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (COMPLETE)
Genç Kurgu[UNEDITED STORY/MAGULO PA ANG PAGKAKASULAT] (Epilogue out of Epilogue Chapters published) Date Started: May 28 2015 Date Ended: April 23 2017 -------- Zackrey Mckinley isang mayabang, Playboy isang napaka Gwapong lalaki Hearthrob...