(Zackrey POV)
Nakabihis na ako ngayon ihahatid ko si Alexandra sa kanila baka kasi nagaalala na ng sobra yung pamilya baka nga naireport na sa police na nawawala si Alexandra eh
Bayan baka nababagot na si Alexandra sa labas makalabas na nga
"Ano Alexandra ? alis na tayo" tanong ko kay Alexandra
"Sige alis na tayo namimiss ko na yung Anak ko eh" buti pa siya may anak na ako kaya kailan pa magkakaroon ? hays kung buhay pa si Xandra ngayon eh edi sana nandito siya para may nanay ng mga magiging anak ko
kaso wala eh kinuha na siya sa akin ng Diyos
ay ano ba yan ang babae ko naman magdrama hindi bagay sa akin
"Huy!!!" bumalik lang ako sa katinuan nung nag snap siya ng daliri niya sa harap ng mukha
"Tulala ka diyan bakit? parang ang lalim ng inisip mo ah" tanong niya sa akin
"Ah wala wala may naalala lang ako na importante" sabi ko
"ah ganun ba so halika ka na " sabi niya at lumabas agad siya ng pintuan at sumunod ako
pumunta na kami sa parking lot para maihatid ko siya at nang makarating na kami sa parking lot sumakay agad kami sa kotse ko at umalis
habang nasa biyahe ako eh hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil kapag tumitingin ako sa mukha niya ay naaalala ko talaga si Xandra
ikaw ba naman may mameet na babae na kamukhang kamukha ng taong mahal mo eh hindi kaba mapapatingin lagi at kapangalan pa talaga ah
sana nga siya na lang talaga si Xandra eh
ESHHHHHH XANDRA BAKIT BA NAWALA KA SA PILING KO ?
itinuro na lang ni Alexandra kung saan yung bahay niya at agad naman namin yung pinuntaan para makauwi na siya
nang makarating na kami sa bahay niya ay may napansin kaming mga sasakyan ng police sa tapat ng bahay niya
"Alexandra? bakit may mga police sa bahay niyo?" tanong ko
"Hala hindi ko alam sandali nga puntahan natin baka kung anong nangyayari ah" sabi niya at agad naman kaming bumababa ng kotse ko at sinamahan siya sa bahay nila
pagkadating namin sa tapat ng bahay nila ay agad naman siyang nag doorbell
DINGGGGDOONGGGGGGGGG!!!!!
Agad na may lumabas na maid mula sa bahay nila para pagbuksan kami ng gate
"Maam Alex !!!!!! nandiyan na po pala kayo hinahanap po kayo ni Sir Brace kagabi pa po nireport na nga po ni Sir Brace sa mga Police eh kaya po nandito po yung mga Police" sabi nung Maid
"Hala ! Sige sige mahabang kwento Manang Aning ikukwento ko po sa iyo mamaya pero sandali asan na sila Brace at Andre?" tanong ni Xandra
"Ah nasa Sala po sila kinakausap po ng mga Pulis si Sir Brace" sabi nung Manang Aning
"Ah ganun ba sige Huy Zackrey ! halika ka pumasok ka" sabi ni Alexandra saakin
"Ah hindi na hanggang dito na lang ako naihatid na kita baka nakakaistorbo ako sainyo alis na ako" nahiiyang sabi ko kay Alexandra
"Ay hindi pwede Zackrey iniligtas mo ko kagabi kailangan masuklian ko yun halika pumasok ka" sabi ni Alexandra at ano pa ba magagawa ko ? edi sumunod na lang ako
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (COMPLETE)
Ficção Adolescente[UNEDITED STORY/MAGULO PA ANG PAGKAKASULAT] (Epilogue out of Epilogue Chapters published) Date Started: May 28 2015 Date Ended: April 23 2017 -------- Zackrey Mckinley isang mayabang, Playboy isang napaka Gwapong lalaki Hearthrob...