T.U.L Chapter 56 - NakakaBadtrip T^T

601 37 0
                                        

(Xandra POV)

3 months ago ........

3 months ago na nakalipas simula nung naging official na talaga kaming dalawa ni Zackrey hindi parin ako makapaniwala na totoo na talaga eh parang kahapon lang eh pero anyway for 3 months na naging kami ni Zackrey eh doon ko lubos na naramdaman yung pagmamahal nya sakin at pag aalaga naramdaman ko din kung paano niya ako pinoptotektahan sa mga nang aaway sakin napaka sweet nga niya sakin eh kung magpakilig eh wagas na wagas

Nung First monthsary namin nag out of town kami at nagbakasyon sa Bohol kasama sila Sharlene at Jairus kaya namin sinama yung dalawang yun para maging mas masaya

Nung Second Monthsary namin ganun lang din nagbakasyon lang kami sa Batanes kasama din sila Sharlene at Jairus

At ngayon ewan ko lang kung magbabakasyon kami pero sana makapagbakasyon kami para happy happy ulit hahaha

Bukas Third monthsary na namin at sinadya kong hindi ipaalala kay Zackrey para siya mismo yung unang babati sakin

Kagigising ko lang ngayon at kelangan ko nang mag ready at baka malate kaming dalawa ni Zackrey

TOK ! TOK ! TOK !

"Xandra ! Gising na malelate na tayo ! " tinignan ko muna yung oras at OMGGGGGGGGGGGG !!!!!! 7:00 am na at 7:30 yung pasok namin nako malelate na talaga ako

"OK !!! OK !!! MALILIGO NA KO !!!" sabi ko at agad naman akong dumeretso sa CR at naligo pagtapos nun nagbihis nako then bumaba na ko ng kwarto ko

Nakakainis naman tong lalaking to bakit hindi manlang ako ginising kanina ayan tuloy hindi nako nakapag breakfast hayystttt bahala na

"Ang tagal mo naman ata ?" Tanong ni Zackrey sakin

"Eh bakit hindi mo ko ginising ng maaga ?" Mataray kong tanong kay Zackrey

"Ehh haystt ! Halika na nga lang baka malate pa tayo"

pagsabi nya nun agad naman akong sumakay ng kotse niya at nagdrive na siya papuntang school

Napansin ko lang na parang mainit ang uli niya ano kaya meron ? Hindi manlang ba niya alam na Monthsary namin bukas ? Wala man lang bang Advance Happy Monthsary ? Katampo naman >_<

"Zackrey ?"

"Oh ?" Luh ? Mainit ata ulo niya eh ? Sana wag naman

"Ahmmm ahh anong date bukas ?" pasimple kong tanong para kahit papano eh maalala niya yung monthsary naming dalawa

"25 bakit may problema ba ? " --_-- yan na nga ba sinasabi ko eh nakalimutan niya huhuhuhu ang sakit naman

"Ahmm wala wala natanong ko lang" sabi ko at nanahimik na lang

At nung dumating na kami sa school agad naman kaming pumasok kasi baka late kaming dalawa iniwan ko na lang si Zackrey mag isa dun sa corridor nakikipag daldalan pa kasi eh kaya bahala siya sa buhay niya nakakainis naman !!!! GRRRRR !!!!!

"Best !!!! advance Happy Monthsary sa inyong dalawa ni Zackrey" buti pa itong babaeng to naalala na monthsary naming dalawa bukas pero yung isahindi man lang nakaalala

"Thank you buti kapa naalala mo"

"OH ! bakit parang badtrip ka ata ngayon ???" halata bang badtrip ako ? hahaha sabagay ang tamalay ko ngayon ata eh

"ah wala hindi ako badtrip" naiinis lang ako kay Zackrey

"talaga ???" aba segurista lang ang peg ???

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon