T.U.L Chapter 91 - Sharlene's Opinion

346 13 0
                                    

Silent Readers Vote and Comment Please

(Zackrey POV)

"ANO!!???" sabay sabay nilang sigaw sa akin nila Sharlene, Jairus, Francis at Mika

Ikinwento ko kasi sa kanila ang nalaman ko tungkol kay Alex pati na rin yung pagkakaroon niya ng Amnesia

"Pinaimbestigahan mo siya ng hindi niya nalalaman?" naguguluhang tanong sa akin ni Sharlene

"Oo sobra kasi akong na curious sa babae na yun kaya ko siya pinaimbestigahan" para tuloy akong nasa hot seat na pinapaamin kung ano ano ang mga nalalaman ko mga baliw talaga tong kasama ko ang OA mag react

"Di ba sabi mo may amnesia si Alex edi ibig sabihin nun wala siyang maalala?" agad namang binatukan ni Sharlene si Jairus

"Aray !" wika ni Jairus habang hinihimas himas ang likod ng ulo

"Malamang Jai! Kaya nga may amnesia kasi walang naaalala iuntog kaya kita ng mag kaamnesia ka" banta ni Sharlene at lumayo ng konti si Jai kay Sharlene ng konti kasi akma niya na itong iuuntog

hahaha ito talagang mag asawa na ito kung mag lambingan nakakamatay hahaha

"Kung may amnesia si Alex ngayon edi may nakaraan pa la siya na hindi niya malaman laman?" ngayon ay sumeryoso kami sa winika ni Mika at nabalin naman ang tingin namin sa kanya

"Chill lang Guys mga tingin niyo sa akin akala mo mangangain ng buhay eh" wika niya at natawa pa to

"Bakit hindi sa atin to binanggit ni Alex o ni Brace man lang?" medyo inis na tanong ni Francis

"Hindi natin alam Francis pero sa tingin ko lang ah parang may mali eh may mali talaga" wika ni Jairus at nakita ko na inirapan siya ni Sharlene hahaha akala mo pag nag away parang wala ng bukas

"siguro kaya hindi nila binanggit sa atin eh baka may iniiwasan sila or what? hindi ko alam" suhestyon ni Sharlene

At ako ay kinukutuban na ako sa mga nangyayari ngayon may parte sa akin na dapat sumaya ako at may parte din sa akin na kinakabahan talaga ako ng sobra

"Zackrey hindi kaya'y....." napatingin naman ako kay Sharlene na ayaw pang ituloy ang sasabihin

"Hindi kaya'y ano Sharlene?" seryoso kong paguulit sa tanong niya sa kanya

"Hindi ako sigurado Zackrey pero....." ano ba naman tong babaeng to nambibitin pa

"Pero ano Sharlene?" dugtong ni Jairus at sinamaan lang to ni Sharlene ng tingin

"Hindi ako sure ....pero.... Baka si Alex eh si Xandra...." nanlaki naman ang mata ko sa winika ni Sharlene

at milyon milyong alaala na naman ang nagflashback sa utak

Shit........

"Tumigil ka nga Sharlene!.....nahihibang ka na naman" pag sasaway ni Jairus kay Sharlene

"Hinde ok lang....." mapakla kong sagot sa kanila

"Tignan mo ok lang pala eh sapakin kaya kita Jairus" at akmang sasapakin na niya si Jairua peeo umiwas agad si Jairus

Pagbubuhulin ko tong dalawang to

"Paano mo naman nasabi yan Sharlene? porque ba magkamukha sila na halos carbon copy na ganun ba?" pagsasalaysay ni Mika sa amin at napa face palm lang si Sharlene sa sinabi nito

"Teka ganto yun ah nung nangyari ba yung paglubog ng cruise ship apat na taon na ang nakararaan di ba't wala namang inireport sa atin na may natagpuang katawan ni Xandra diba?"

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon