(Xandra POV )
Hala sino kaya yung mga dumaan kanina puro babae tas bigla na lang sila tumakbo palayo ng marinig nila sina Jairus at Sharlene natakot ata
Pero kanina nung bubuksan ko na yung gate eh nagkasalubong yung mga mata namin nung isa sa mga babaeng nakita ko , medyo kinabahan ako dun kasi alam nyo na baka may maka-alam na kasal kami ni Zackrey mag kakagulo pag-nalaman ng iba to
"Best kilala mo ba yung mga babae na yun ? " tanong sakin ni Sharlene at pumasok na sila ni Jairus dito sa loob ng bahay
"Hindi ko alam eh basta nakita ko na lang sila eh tas bigla na lang sila tumakbo palayo eh" sabi ko sa kanila
"Hindi kaya mga studyante yun ng school natin ? " sabi ni Sharlene at huminga ako ng malalim kasi kinakabahan ako eh
"Aba'y ewan ko pero wag na ntin yun pansinin mga epal lang ata yun eh hehehehe " sabi ko at iniba ko na lang yung usapan
.............
Kinabukasan pumasok na ko ng school
Nauna na kong pumasok ng school at tinatry ko na ring umiwas muna kay Zackrey at baka ma-issue kami eh patay ako nyan
Habang papasok ako eh may sumalubong sakin na hindi ko inaasahang kaibigan
"Hi ! Xandra miss me ? " sabi ni Francis at napangiti ako , namiss ko din tong lalaki na to tagal nya ding nawala ha
"Francis ! " masaya kong sabi kay Francis at niyakap ko sya
"Oh mukang miss me nga ko eh halata naman eh hehehe " sabi nya at aga akong kumawala sa pag-kakayakap sa kanya
"ikaw ha bat ka biglang nawala ha ? nakakatampo ka tuloy" kunwaring nagtatampong sabi ko sa kanya
"Sorry kung hindi kita nasabihan na matagal akong mawawala kaya sorry na babawi na lang ako sayo Xandra" sabi nya at natawa lang ako
"Eto naman joke lang naman hindi ako nagtatampo sayo noh" sabi ko sa kanya
"So sabay na tayong pumasok sa loob" yaya nya sakin
"Sige ! " sabi ko sa kanya at pumasok na nga kami sa loob ng school
Habang papasok kami eh napansin kong nag kukumpulan yung mga estudyante sa bulletin board , hmmm ano na naman kaya ang meron dun ?
kaya naki-chismis narin ako at nagtanong sa isang lalaking estudyante
"Ah......eh kuya ano po ba meron bakit nag kukumpulan yung mga estudyante sa bulletin board ?" tanong ko dun sa kaharap kong lalaki at tumingin sakin
"Ah yun ba meron kasing Viral na photo sa internet na kumakalat n may bagong ka date si Zackrey at nakita pa sila sa Enchanted Kingdom na magkasma tas may bata pa silang kasama" sabi nung lalaki at nanlaki yung mata ko at agad akong nakipag siksikan sa mga Estudyanteng nag kukumpulan
Pagkatapos kong makipag siksikan eh nakita ko na yung picture at tama nga yung napagtanungan ko , nanlaki yung mata ko sa nakita ko kasi kaming tatlo nila Zackrey at Johnson yan eh yan yung nag punta kami sa Enchanted kingdom kamakailan lang at ang soot pa naming damit jan eh yung Family shirt, HALA ! hindi kaya may nakakita samin nung nag punta kami nila Zackrey nako sana wag naman
May narinig akonag bubulungan na mga estudyante tungkol sa picture namin
"Nako pag-nalaman ko lang kung sino yang girl na kasama ni Zackrey eh kakalbuhin ko sya inaagawan nya ko ng boyfriend" narinig kong sabi nung illusyonadang babae hahaha sorry sya hindi ko lang boyfriend si Zackrey noh asawa ko pa hahaha
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love (COMPLETE)
Novela Juvenil[UNEDITED STORY/MAGULO PA ANG PAGKAKASULAT] (Epilogue out of Epilogue Chapters published) Date Started: May 28 2015 Date Ended: April 23 2017 -------- Zackrey Mckinley isang mayabang, Playboy isang napaka Gwapong lalaki Hearthrob...
