T.U.L Special Chapter #5 - Last na talaga to

1K 13 0
                                    

Silent Readers Vote and Comment Please

Please Supportahan niyo din ang Book 2 nito na pinamagatang The Unexpected Baby

(Xandra POV)

"At last Baby we're here at wala ka nang kawala sa akin" mapang asar na sambit niya sa akin at binigyan ko siya ng sobrang lawak na ngiti

"Shhh.. huwag kang maingay Zackrey baka pagalitan tayo ng pari hahaha" saway ko sa kanya at humagikgik lang siya

"EHEM....!!!" at napatingin kaming dalawa ni Zackrey dun sa Pari kasi mukhang hinihintay na lang kaming dalawa kaya napatahimik kaming dalawa

"Shall we start?" seryosong tanong nung pari at sabay kaming sumagot ni Zackrey

"Yes Father" matawa tawang wika naming dalawa at nagsimula ng magsaluta yung pari

"Bago ko simulan ang seremonyang ito mayroon bang tumututol sa kasalan na ito? kung mayroon man ay itaas lang ang kamay" nagulat ako sa winika ni Father at napalingon kaming dalawa ni Zackrey sa mga bisita at lahat sila ay nakangiti at wala namang tumutol, hays salamat naman heto na talaga wala nang makakapigil sa aming dalawa

"Mabuti naman at wala kung ganoon, Simulan natin ang sakramento ng kasal sa ngalan ng ama anak at espiritu santo amen" panimula nung pari

"Amen" sabay naming sambit ni Zackrey, pagkasabi namin ni Zackrey nun ay halos hindi ko mapigilan ang pagwawala ng paru paro sa tiyan, pero paru paro nga lang ba ang nasa tiyan ko?

"Ngayon ay masasaksihan natin ang kasalan nila Zackrey at Xandra at kayong lahat na nandirito ay saksi sa mga sasambitin nilang sumpaan para sa isa't isa" at napatingin sa aming dalawa ni Zackrey yung pari "Tatanungin ko kayong dalawa, talaga bang bukal sa loob niyo na magpakasal na dalawa?" paniniguro sa amin ni Father at naramdaman kong hinuli ni Zackrey ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit at nagkatinginan naman kaming dalawa na may ngiti sa labi bago ulit tumingin kay Father

"Yes.... Father" sabay naming banggit at biglang ngumiti yung pari kaya napangiti din ako

Pinaupo muna kami ng pari kasabay ng mga bisita at sinimulang basahin yung mabuting balita with responsorial psalm at tsaka naghomily yung pari

Hindi ako mapakali pakiramdam ko anytime maisusuka ko na lahat ng paru paro sa tiyan ko dahil nagsisipagwalaan sila nang dahil sa sobrang saya na nararamdam ko, at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang at yung pari ang nandito sa loob ng simbahan

Yung tipong nagiislow motion ang mga nasa paligid ko at unti unting tumitigil lahat at tanging ako si Zackrey at yung pari lang ang gumagalaw, at ngayon hindi mapigilan na hindi mapatingin sa kanya kasi oh my ghod! napaka gwapo niya putcha malalaglag na ata lahat ng soot ko sa katawan ko, tapos pakiramdam ko basang basa na yung likod ko sa sobrang pawis kasi yung tibok ng puso ko halos sobrang lakas na ng kabog nito na anytime pwede na nitong kumawala mula sa dibdib ko para makita ni Zackrey kung gaano ito kalakas tumibok nang dahil sa kanya

"Ang kasal ay isang napakagandang biyaya na matatanggap ng mag singirog dahil sa kasal ay pinagiisa kayong dalawa at pinagbubuklod nito ang puso niyong dalawa at ginagawang selyado ang pagmamahalan niyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos at dapat kapag nagpakasal na kayong dalawa ay hindi niyo babaliin ang mga ipinangako niyo sa isa't isa at habang buhay niyo itong pang hahawakan hanggang sa makarating kayo sa tinatawag natin na Forever, pero tandaan niyo ding dalawa na hindi lang hanggang kasal ang hantungan ng pagiibigan niyong dalawa dahil may mas mabigat pa kayong haharapin na problema kapag nakalabas na kayong dalawa ng simbahan at kahit na ang problema na ito ay napakahirap mang lutasin yung tipong wala nang katapusan ay huwag kayong mawawalan ng pag asang dalawa at lagi niyong iisipin ang mga pinanghawakan niyong pangako sa isa't isa" sambit ni Father sa aming dalawa ni Zackrey habang magkahawak pa din ang kamay naming dalawa at dahan dahan kaming napatingin sa isa't isa at ngumiti kaming parehas at feeling ko sabay ang heart beat naming dalawa na akala mo mayroon kaming sinasabayan na rythm

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon