T.U.L Chapter 94 - Gone

330 16 1
                                    

Silent Readers Vote and Comment Please

(Zackrey POV)

1 week later........

Isang linggo matapos akong mag pa DNA test siguro naman maari ko ng makuha ang resulta na kailangan ko

Nakasakay ako ngayon sa kotse at nagmamaneho pupunta ako sa clinic ni Dra. Mendoza para kunin ang kung ano mang resulta mg DNA test na iyon

Kinakabahan ako sa magiging resulta ng DNA Test na yun naghahalo ang nararamdaman ko

Naghahalo ang pakiramdam ko ang saya at ang lungkot........

Masaya kasi baka nga..... at nagbaba kasakali ako na maaring si Alex ay si Xandra at maaring anak ko si Andre

at sana ang saya na nararamdaman ko ay magkatotoo.....sana..

Hindi naman gaano matraffic kaya agad akong nakarating ng ospital

At pagdating ko ay agad ko tong ipinark at tumungo agad sa clinis ni Dra. Mendoza

Alam naman ni Dra. Mendoza na paparating ako

agad naman akong kumatok

Tok! Tok! Tok!

"Pasok...." rinig kong sabi ni Dra. At agad naman akong pumasok

"Oh Zackrey ikaw pala...." wika nito at umupo naman agad ako sa side chair mg desk niya

"Dra. Mendoza ano na po ang resulta?" tanong ko kay Dra.

Nakita ko tong napangiti kaya nagtaka tuloy ako sa inasta niya

"Here...." sabay abot ng isang brown envelope sa akin at napalunok ako

Inabot ko to ng may katakot takot na kabang namumuo sa kalooban ko na hindi maipaliwanag

Pakiramdam ko din bumibigat ang bawat paghinga ko para bang kada segundo ng paghinga ay isang malaking buntong hininga ang lumalabas

Buntong hininga na mawawala lang kapag mabasa ko na ang lan nitong envelope na to

"Dok? Nandito na po ba lahat ng resulta?" paniniguro kay Dra.

"Oo Zackrey at kailangan mo na yang mabasa ngayon na mismo" suggestion ng doktora habang nakangiti at napabalin uli ang tingin ko sa kanya

"Sige po" at pinagmasdan ko ulit ang envelope at napabuntong hininga ako tsaka ko ito binuklat at inilabas ang dalawang papel na nakapaloob dito

This is it.......

Napapikit muna ako bago ko uli binalingan ng tingin ang papel tsaka binasa ko ito

Binasa ko ito ng binasa hanggang sa nalaglag amg panga ko sa mga nabasa ko at hindi ko namalayan na nalaglag na yung hawak kong papel

Positive at Match ang DNA naming dalawa ni Andre

Ibig sabihin ba nito...........

Anak ko si Andre????

Napabalin ang tingin ko kay Dra. Mendoza na ngayon ay nakangiti sa akin at ako ay nakakaramdam ako na mas nangingibabaw ang saya sa puso ko

Saya na parang itinago ng maraming taon at ngayon ay lumabas na, saya na matagal kong inasam na mangyaring muli sa tanang buhay ko

"Dra.??? T-totoo na po ba ito?" nauutal kong wika pero mahahalata mo sa ekpresyon ng mukha ko ang saya na matagal kong hinantay na mangyaring muli sa akin

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon