T.U.L Special Chapter #3 - Love Moves In Mysterious Way

514 12 3
                                        

Silent Readers Vote and Comment Please

(Xandra POV)

2 months later.....

Heto na ang pinakahahantay ko sa tanang buhay ko ito na talaga and this is it! itong araw n aito ang pinangarap kong amngyari at ngayon alam na alam kong hindi na ito mapipigilan ng kung sino man, kasal? ito naman talaga ang hantungan ng dalawang taong nagmamahalan ng matatag at may malaking tiwala sa isa't isa at ito na  rin ang araw na tatawagin na uli akong Alexandra M. Mckinley, goshh kinikilig ako sa mga pinagiisip ko hahaha masyado naman akong excited mamaya pa naman ang kasal namin hehehe

AND OH HELL BIG YES!!!! Kasal na namin ngayon ni Zackrey ang bilis ng panahon noh? kahit na ngayong buwan na ito ang kabuwanan ko, oo ngayong buwan na din ako mangangak pero hindi malaman ng doctor kung ano ang exact date ang sabi baka next week o this week or baka anytime goshhh kinakabahan ako

Naranasan ko nang manganak nung isinilang ko si Andre pero ngayon kinakabahan ako kasi jusko kambal ito at ang bigat nilang dalawa kaya jusko napaka galing kasing shumoot ni Zackrey kaya agad agad two points -_- hindi muna ginawang isa isa lang dinalawa agad 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagreready na para sa gaganaping wedding naming dalawa ni Zackrey mamaya at nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin at nilalagyan ng kung ano anong kolorete na nababagay sa akin at habang minemakeupan ako ay may narinig ako boses na ubod ng lakas at halos daigin pa ang sirena ng ambulansya sa sobrang alingawngaw nito kaya napapoker face na lang ako

"Xandra!!!!" rinig kong sigaw ni Sharlene sa labas ng kwarto ko, ano ba itong babae na ito akala mo may sunog na nagaganap kapag siya sumisigaw napaka alingangaw hindi ako makatayo kasi minemakeupan ako dito sa harap ng malaking salamin

"Ano ba yan Maam Xandra napaka ingay naman po nung babae na iyon" rinig kong pagrereklamo nung makeup artist habang nilalagyan ako ng lipstick sa labi ko at natawa lang ako medyo

"Hahaha ganun talaga yung si Sharlene ganyan talaga ugali pero pag naguing kaibigan mo yan magiging loka loka ka rin katulad niya pero napakabait na babae niyan" wika ko sa kaupsa ko at natawa lang ito at pinapatuloy na lang ang pag memake up sa akin

"Xandra!!!!" sigaw ulit ni Sharlene at nakita ko mula sa salamin na iniluwa siya ng pintuan ng kwarto ko at natawa lang ako sa asta niya para talaga siyang teenager kung umasta nakakaloka, at nakita ko naman na nasa likuran niya si Mika at mukhang hingal na hingal siguro tumakbo sila papunta dito

"ANO BA SHARLENE!? Bakit ba sigaw ka ng sigaw diyan?" natatawa kong reklamo sa kanya at nakita ko na kinikilig kilig pa siya na akala mo kinikili ng kung ano

"Eh kasi naman Xandra diyos ko makalaglag panty si Jairus napaka gwapo KYAAAAHHH!!!!!" rinig kong pagtitili ni Sharlene at natatawa ako sa itsura ni Mika halatang naghahabol pa din siya ng hininga niya

"Walang hiya kang Sharlene ka ang bilis mong tumakbo hinihingal na ako sa iyo hayop ka" naghahabol ng hiningang wika ni Mika at naupo siya dun sa sofa

"Hahaha sorry na Mika ang bagal mo kasing tumakbo eh kaya ayan hahaha" mapang asar na wika ni Sharlene at nakita ko na inirapan lang siya ni Mika at natawa lang ako

"Nagsisigaw ka na akala mo may sunog at pumunta ka dito sa kwarto ko para lang sabihin mo na ang gwapo ni Jairus?" naiinis na wika ni Mika kay Sharlene at ngumisi lang si Sharlene

"Oo naman para syempre alam mo at para din alam ni Xandra" napanganga na lang si Mika sa sinagot ni Sharlene, loka loka talaga tong babae na ito jusko kung ano ano tumtakbo sa utak hahaha

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon