T.U.L Chapter 79 - Your Truly Friends

327 23 0
                                    

SILENT READERS !!! PARAMDAM AH HAHAHA

---------------------

(Zackrey POV)

Ok seryosohan na nandito na kami ngayin sa Playing Camp Activity kung saan gaganapin yung Recreational Activity namin

Nakalimutan ko nga pa lang banggitin na hindi sumama ang Mama ko sa Reacreational Activity na ito

Sabi niya kasi kaya ko na daw i-manage ang Activity na to kaya hindi na ako umangal

Yung mamumuno sa Activity na ito ay yung lalaking nag tour sa amin kahapon

Pero hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina sa park, pakiramdam ko parang sa akin niya dinededicate yung kinanta niyang Always Be My Baby

Pero hindi ako nagaasume ah pakiramdam lang naman

Pero aaminin ko bading man pakiggan yung mga sasabihin ko eh, habang kumakanta siya ay para siya lang ang nakikita ko sa paningin ko nung mga oras na yun

Hindi ko maipaliwanag pero yun ang nadarama ko habang pinapanood siyang kumanta ang weird noh

At isa pa ang saya din sa pakiramdam habang naririnig ko yung boses niya na mala anghel sa aking pandinig

At kada kisap ng mga mata niya ay may nag iispark na paru paru sa paligid na nagdadag ng pakiramdam kong hindi maipaliwanag

Natatamaan na kaya ako kay Alex?

Hindi pwede may fiancee na siya at tsaka hindi porque kamukhang kamukha niya si Xandra ay pwede ko na siyang gustuhin

Ano ba Zackrey alalahanin mo magkaiba sila ni Xandra kahit na magkamukha sila at magkapangalan

URGGHHH !!!! ang gulo ko ewan hindi alam gulong gulo ako sa nararamdaman ko

Xandra bakit ba kasi nawala ka pa sa piling ko?

"Guys ! Magfocus kayo sa laro huy tignan niyo mahahabol na nila tayo stay focus!!!" rinig kong sabi ni Sharlene sa amin

At bumalik na ako sa katinuan, nagiistart na kasi kami ngayon na maglaro iginrupo kami sa tatlong grupo at group 2 naman kami

Yung laro namin ngayon eh unahan na makapuno ng buhangin sa isang drum na malaki

"Konti na lang Guys !!! kaya na tin to wooohoooo !!!!!" sigaw ni Jairus na nagyayabang pa hahaha loko loko talaga

Si Alex naman eh focus naman sa paghahakot ng buhangin at kanina pa siya hindi namamansin simula nung nanggaling kami sa park

problema nun ?

At nagpatuloy na lang ako sa paghahakot ng Buhangin galit na naman Bipolar amp

"Guys you still have 1 minute left to fill that container!!!!" sigaw nung lalaki habang nagiikot sa aming tatlong grupo na naglalaro

"Ahh!!!" napatigil ako sa pag hakot nung mapansin ko na nadapa si Alex habang naghahakot ng buhangin

Hindi naman ako nagdalawang isip na tulungan siya

"Alex!" rinig kong sabi ni Sharlene

"Ayos ka lang ba?" tanong ni mika na may halong pagaalala

"Ayos lang ako Guys salamat" sabi ni Alex

"Ako na bahala kay Alex ipagpatuloy niyo na yung laro baka matalo pa tayo" sabi ko at napatingin naman si Alex sa sinabi ko at napatingin din ako sa kanya pero agad naman kaming nag iwas ng tingin na dalawa

"Sigurado ka ba jan Zackrey?" tanong ni Jairus

"Oo nga dalian niyo na" sabi ko sa kanila para ipagpatuloy na nila yung laro

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon