T.U.L Chapter 99.2 - Please Come Back Home

385 13 14
                                    

Silent Readers Vote and Comment Please

May book 2 po itong T.U.L ang title po ay T.U.B sana basahin niyo din po

(Xandra POV)

Bakit hindi ba ako humingi ng tulong kay Zackrey o sumigaw man lang para humingi ng tulong ang tanga ko talaga eh noh? feeling ko ngayon ay para akong nililitis ng batas ng dahil sa ginawa kong kasalanan kay Brace, kasalanan na halos hindi na mapapatawad ng lalaki na ito nang dahil na din sa sakit na ibinigay ko sa kanya

Nagpadalos dalos ako ng desisyon dapat kasi hindi namin siya tinakasan dapat kinausap namin siya ng maayos hindi yung sa ganitong paraan, naguguilty talaga ako sa ginawa ko kay Brace, naging mabait siya sa akin naging maalaga at itinaguyod niya ako sa panahon na halos hindi ko na kilala ang sarili ko sa mga panahon na wala akong masandalan kundi siya lang sa mga panahon na wala akong kaagapay kundi si Brace lang

Actually nasa biyahe kaming dalawa at ang tahimik lang kami at walang kumikibi ni isang hi man lang sa aming dalawa ang awkward ng presensiya naming dalawa ni hindi na ako makapagsalita dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako ay para sa kanya ay isang kasinungalinngan

Pinipigilan kong pumatak yung luha ko mula sa mga mata ko kaso taksil eh paunti unti silang bumubuhos at wala man lang akong panyong dala kasi kanina mayroon akong dalang panyo kaso nung hilahin na ako ni BRace papasok dito sa kotse niya nabitawan ko yung at hindi ko na alam kung saan ko nailaglag

Napaka wala kong kwentang babae kasi nagagwa kong saktan ang taong katulad ni Brace, alam nyo ang mga katulad ni Brace ay deserve ang mga taong katulad din niya hindi deserve ni Brace ang baabeng katulad ko kasi alam ko na masasaktan ko lang siya ng sobra

Hindi ko na kaya ang katahimikan sa loob ng sasakyan na ito kaya ako na ang uanng bumasag at nagsalita

"Sa-saan tayo pupunta?" natatakot kong tanong sa kanya pero yung tingin niya ay natuon pa din sa kalsada kasi nga nag dadrive siya baka kasi mabangga kaming dalawa kapag itinuon niya ang tingin niya sa akin diba?

Nagdaan ang ilang segundo pero hindi niya sinagot yung tanong ko kaya nanahimik na lang ako at binalinan ko na alng ng pansin ang bawat madaanan naming dalawa, shit hinahanap na ata ako nila Zackrey shit baka mag alala sa akin yung mga yun geeez tapos nakalimtan ko pa yung phone ko sa kwarto ko hayst napakatanga ko talaga

Wala tuloy akong communication sa kanilang lahat, bahala na sana tulugan ako ni Lord para malagpasan ko tong mga problema na bumabalot sa aming lahat at inaasahan ko na din na malaking kaguluhan ang mangyayari kapag mas lumala pa ito

Bumuntong hininga ulit ako at napalunok at tsaka naglakas loob na magsalita

"S-sorry..." tangi kong sambit pero hindi ako nakatingin kay Brace pero naaninag ko din na hindi niya ako tinignan at naaninag ko lang na napaismid siya sa sinabi ko

Alam ko na halos walang kapatawaran ang pagtataksil na ginawa ko sa kanya  pero haharapin ko na lang kung anong mangyayari sa akin hindi ko na to matataksan pa para na rin maayos ko na ito nakakapagod na

Buong biyahe napaka tahimik naming dalawa at hindi na ako kumibo kasi alam ko namang hindi naman niya ako sasagutin sa bawat sasabihin ko 

Napansin ko na hindi kami sa bahay nila pumunta at sa ibang direksyon niya itinahak ang sasakyan at napunta kami sa isang bahay na kakagawa lang at mukhang walang pang nakatira dito ni isang tao

Ano naman kaya gagawin namin dito? hininto na ni Brace ang kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto kaso nakatitig pa din ako sa kawalan, kahit papaano ay gentleman pa rin siya sa akin, bakit ba kasi naging masyadong maalaga sa akin si Brace 

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon