T.U.L Chapter 66 - Paris

576 26 8
                                        

2 months ago......

(Alexandra POV)

Manila.......

Dalawang buwan na ang nakalipas pero wala talaga akong maalala sa nakaraan ko pero ang kompirmado lang sa sarili ko na Alexandra ang pangalan ko dahil dun sa kwintas na soot soot ko

Hay ano kaya ang nangyari sa akin bakit ako nagka ganito ?

Pero nevermind na yun kasi sa loob ng dalawang buwan naramdaman kong may pamilya ako dahil sa pamilya ni Brace itinuring nila akong parang kadugo nila hindi nila inisip na iba ako sa kanila kaya ang laki ng utang na loob ko sa pamilya ni Brace

Pero sa loob din ng dalawang buwan doon din nag simula ang kakaibang nararamdam ko ewan ko ba parang iba as in iba talaga minsan feeling ko nahihilo na lang ako o hindi kaya nasusuka na lang pero hindi ko pinapahalata sa kanila ayoko na kasing madagdagan ang mga tulong na binibigay nila sa akin kasi nakakahiya na

Pero sa loob din ng dalawang buwan nanligaw na agad sa akin si Brace hindi ko alam pero ang masasabi ko lang kay Brace napaka bait niya sobra maalagain niyang lalaki at super gentleman niya ibang iba siya sa iba niyang kaibigan yung tatlo medyo childish pa eh hehehe pero sobrang saya nilang kasama halos walang araw na hindi ako sumasaya ng dahil sa kanilang kaya napaka swerte ko kasi nag karoon ako ng mga kaibigan na mabait , napakagwapo

Hindi parin nagbabago si Brace kahit boyfriend ko na siya ngayon , oo boyfriend ko na siya last month ko lang siya sinagot at halos isang buwan lang niya ko niligawan pero sa loob ng isang buwan lang din nahulog na ko sa kanya ewan ang bilis eh pero ang alam naming dalawa ni Brace mahal na mahal namin ang isa't isa

Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Brace sa akin kasi sabi nila boto raw sila sakin ako naman eh ang tuwa to the highest level hahahaha ^0^

nandito na pala kami ng pamilya ni Brace sa Manila kasama nila ako ituturing na raw kasi nila akong pamilya gaya ng sabi ko kanina kaya ang saya saya ko kasi hindi nila ako pinabayaan

nandito pala ako sa kama ko kakagising ko lang pero nakahiga parin ako at nakapikit tinatamad kasi akong bumangon eh maya maya may biglang kumatok ng pintuan

Tok ! Tok ! Tok !

"Alexandra ! Gising ka na ba ?" opps si Brace pala hahaha wait mag tutulog tulugan nga ako hayaan ko muna siyang pumasok hahaha

Nanatili parin akong nag tulog tulugan ng maramdaman kong bumukas na yung pintuan

"Alexandra Mhie gising ka na ba ?" meron kaming tawagan Mhie ang tawag sa akin ni Brace at Dhie naman tawag ko sa kanya

naramdaman kong lumapit na siya sa akin at naramdaman ko din na lumapit siya ng pag kalapit lapit sa akin kaya ramdam ko yung pahinga niya

Wahhhh !!!! Nakikiliti ako sa paghinga niya hahaha tumatama kasi sa may tenga ko eh hahaha

"Alexandra Mhie gising na mag bebreakfast na tayo" pero nanatili parin akong nag tutulug tulugan

"Alexandra pag hindi ka gumising jan hahalikan kita" oh no waahhhh baka tuluyan na akong makatulog pag hinalikan niya ako hahaha

"Alexandra makulet ka ha sige hahalikan na kita" sabi niya pero ako nag tutulog tulugan parin ako naramdamn kong lumapit pa siya sa akin as in ramdam ko na yung muka niya sa muka ko ramdam ko na rin yung pag hinga niya

WAAAHHHH OXYGEN PLSSS !!!! WAAHH!!!! HAHALIKAN AKO NG BOYFRIEND KO BAKA MAHIMATAY AKO at tsaka bad breath pa ako hindi pa ako nag to-tooth brush waahh baka ma turn off siya sa akin huhuhu

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon