T.U.L Chapter 77 - Assuming

296 25 1
                                        

Silent readers alam niyo na ah wag mahiyang mag vote at comment



(Alexandra POV)


Nagising ako ng may marinig akong nag ring na phone hindi ko muna minulat yung mata ko at kinapa ko lang ito kung nasaan na ba ito


San na ba  yung phone ko na nayun?


Minulat ko na agad yung mata ko at oo nga pala nakatulog ako habang nakatingin sa labas na nakaharap sa Beach inenjoy ko yung view ng dagat kahit medyo makulimlim kanina kaya nakatulog ako sa upuan 


pero paano ako nakarating dito sa higaan ni Zackrey?


Weird....


Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto at wala akong Zackrey na nakita, kanina lang bago ako makaidlip dun sa upuan ay nakita ko pa siyang nakahilata dito ah tapos ngayon siya naman wala nasaan na kaya yung tao na yun


Bumangon na ako at kinuha ko yung bag ko at hinanglungkat ang phone ko para tignan kung anong oras na, 2 am na pala ng umaga grabe eh kanina ng makarating kami dito mga 4:30 ng hapon tas nakatulog ako tas ngayon lang ako nagising? pero okay lang nakakapagod din naman  yung biyahe kanina eh.


At bigla naman akong nakaramdam ng kalam ng tiyan, awww nagugutom na ako paano ako kakain? eh for sure lahat ng maid dito sa loob ng bahay ay tulog na hindi naman pwedeng manghalungkat ng food sa kusina eh hindi naman ako dito nakatira.


Nagsuklay muna ako habang nagsusuklay ako eh napansin kong walang mga stars sa kalangitan, hanggang ngayon siguro eh makulimlim pa din sayang gusto kong makita pa naman ang mga libo libong mga bituwin sa langit.


Pagkasuklay ko eh pinihit ko na yung seradula ng pintuan at sumilip ng bahagya sa labas, wala namang mga tao dito tangin mga maliliit na ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa buong corridor, kaya kahit papaano ay may konting takot ako nadadama baka kasi maulit yung sa balete drive eh punyemas hindi ko alam kung totoo ba talaga yung nakita ko ohguniguni ko   lang         


Lumabas ako at dahan dahan na naglakad palabas at tinahak ang elevator, at pagbukas ng elevator agad naman na akong pumasok at pinindot ang sala button pababa, pagkababa ko naman eh tahimik ang paligid at tanging maliliit na ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong sala


tinahak ko ang pintuan palabas ng bahay para magliwaliw sa labas, kung hindi man ako makakain eh mageexplore na lang ako sa labas, pagkalabas ko eh agad na tumambad sa akin ang fresh na amoy ng dagat


agad naman akong tumakbo dalampasigan at naglakad lakad lang magisa, hindi naman gaano madilim dito dahil may mga poste ng ilaw na nakatayo dito,pagtapos kong maglakad eh    bumalik ako sa bahay at nung papasok na sana ako ng bahay eh may biglang humila sa akin


"AHHH--" agad naman niyang tinakpan yung bibig ko


"Shhhh....." sabi nito at hinarap ko yung taong humila sa akin, si Zackrey lang pala akala ko kung sino ng walanghiya, Agad naman niya kong dinala sa may mga maraming halaman at doon nagtago kami

The Unexpected Love (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon