Prologue

840 13 6
                                    

"Sabrina anak, are you going home this summer?" Tanong sakin ni Mommy sa phone. Actually, last day na namin ngayon and two years na akong hindi umuuwi samin.

"Mom I really can't promise, but itatry kong umuwi ngayong April." Sagot ko sa kanya.

"Okay honey, namimiss ka na kasi namin ng Daddy mo, just tell us if uuwi ka and we'll pick you up." Mommy added.

"Good morning class!" Pambungad samin ng last subject Professor ko.

"Okay Mom. I really have to go now, my Prof is here. I miss you too, please tell Daddy I miss him. Take care and I love you both," Dali dali kong sabi kasi baka pagalitan ako ng prof ko.

I'm really planning to go home pero I want to surprise Mom and Dad for that kasi alam niyo na sa excitement nila baka pagmamadaliin ang flight ko which is not good to me. Naexperience ko na kayang umupo sa sahig kakahintay ng flight ko kakamadali nila sakin noong freshie palang ako sa college.

After ng last subject ko lumabas na agad ako at tumambad sakin ang mukha ng busangot kong bestfriend dito sa Cebu. Ano kaya nangyari sa bruhang to at parang sinakluban ng langit at lupa ang mukha nito?

"Corrine! Tapos na klase mo?" I said habang nagbebeso beso kaming dalawa, pero nakastuck sa kunot noo ang mukha ng babaeng kaharap ko.

"Of course tapos na, maghihintay kaya ako sa labas kung may klase pa ako? Where's your mind?" Dire-diretso niyang sagot sakin habang naglalakad kami.

Ang sungit.

"Anyare sayo? Why so mean?" Pang-aasar ko pa.

Corrine Lane Gonzales, a fourth year Business Administration student taking up Human Resources as her major. Kung tinatanong niyo if ano ang dahilan bakit hindi kami magkasama kahit bestbuds kami ay dahil iba ang napili kong major kung HR siya, ako naman MA. Management Accounting na pinagsisihan ko ng sobra dahil sa basag utak na Accounting, take note ay major pa namin.

"Eh kasi naman! Yang Dave na yan. Kasalanan ko bang may makakikipagkilala sakin kahit magkasama kaming dalawa. Eh, hindi ko naman kakilala yun?! Kasalanan ko bang maganda ang girlfriend niya? Eh, kahit ilang libong lalaki naman makikipagkilala sakin siya pa rin naman pipiliin ko eh. Tapos yun lang? Magagalit siya! Ano ba yan!" Pagmomonologue niya sakin habang naglalakad kaming dalawa papuntang car park. Well, we are already in a legal age kaya may sari-sarili kaming kotse na dalawa pero may schedule kaming dalawa kung san sasakay. Ngayon sakin siya sasakay hanggang bukas at yung kotse niya ay maiiwan like always.

"Bakit kasi pinagtatyagaan mo pa yan fave gal? Kung mahal ka niya may tiwala siya sayo." Sagot ko naman sa kanya habang binuksan ko ang kotse ko at siya naman sa kabila.

"It's because I love him fave gal. Kahit ilang beses pa akong mabadtrip at ilang beses pa kaming mag-away I'll still give my patience to our relationship." Sabi naman niya seriously.

"Well, wag lang magpakatanga FG. You know what will happen if you'll give your everything." Sagot ko naman sa kanya nang nasa loob na kami ng kotse ko.

"I know my limits FG tsaka alam ko ring nasaktan ka two years ago kaya wag mong isali tong lovelife ko, batukan kaya kita?" Sagot naman niya habang may hinahalungkat sa bag niya.

"Naku FG, kinalimutan ko na yun. Bakit mo pa pinaalala? Langya ka talaga kahit kelan," I said then started the engine.

"Talaga bang kinalimutan mo na? Hindi ka nga makauwi uwi sa Iloilo dahil sa nangyari sa inyo eh tapos yan ang pinagsasabi mo? Are you kidding me, Sabrina Piatrice Rivera?" Taas kilay niyang tanong sakin.

Tumaas din ang kilay ko sa kanya. She really hella knows me that much.

"Okay fine, hindi ko makalimutan ang mga kagaguhang ginawa niya sakin way back then. Hindi ko makalimutang naging tanga ako sa pagmamahal sa kanya then iniwan niya akong nakanganga. Hinding hindi ko yun makakalimutan," Seryoso kong wika while my focus is on the road.

"Galit ka pa rin sa kanya? Diba di mo nakuha ang explanation niya?" Tanong pa ulit ni Corrine sa akin.

"You know fave gal, hindi makukuha kaagad ang galit ko sa ginawa niya. Minahal ko siya't binigay ko yung lahat but then ano yung nakuha ko? Sakit noon? Na naging galit na rin ngayon? And if he cares too much about my feelings sana may narinig naman akong ni isang paliwanag sa kanya, then again walang naghanap sakin just to explain his side," I said in a straight and calm voice.

"Bakit kapag magpapaliwanag ba siya makikinig ka sa kanya?" Tanong ulit niya sakin.

Doon ako natigilan at napaisip. Ngunit pinagpatuloy ang pagdi-drive.

"Hindi na rin naman siguro, how can I listen to another lie? Kitang kita ng dalawa kong mata. All from the start ginawa niya lang akong panakip butas sa mga sakit na naramdaman niya sa ex niya. Ansarap lang sa feeling eh. Sarap ibalik sa kanya ang ginawa niya sakin," Pagmomonologue ko pa habang nakikinig naman si Corrine sakin.

At dahil sa nasabi ko, I realized pwede namang ibalik yung ginawa niya sa akin! Napangisi lamang ako habang tinanong ako ni Corrine.

"Uuwi ka na ngayon?"

"Yes. And I have a better plan when I get there again." I said while smirking.

"Ano na namang kabaliwan yan, aber?"

"Well, punta muna tayo ng mall to buy some stuffs and pasalubong na rin. Parlor na rin tayo para maiba naman tung mukha kong haggard dahil sa finals. Alam mo na siguro ibig kong sabihin."

"Mukhang gets ko na, pero baka mabalik sayo yang ginagawa mo ha," pag aalala niya sa naiisip kong plano. Nagets niya na yata kung ano ang plano ko.

"No. Not at all. I fell in love once, I got broken. I was fragile back then but now, I'm back with vengeance." I said tapos natahimik na lang kaming dalawa pareho.

Let's see how you'll react on what I will do,Rhiniere Zen Piacci.


*****

Hey guys! This is this is my revised version of Back with Vengeance. I don't know mahahalata niyo ang pagbabago pero I am hoping nabago ito nang kahit konti. 

Enjoy reading!

xo,

Sen

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon