Chapter 10

89 2 0
                                    

Always

Maaga akong nagising dahil sa gagawin naming island hopping and also to witness the sunrise while I'm at the beach. I decided to wash up and prepare tsaka ako lumabas sa aking kwarto. I want to experience something like this, yung mga nakikita kong kagandahan ng bagong umaga. Well, I'm a sucker of sunrises and sunsets. Hindi ko lang naenjoy ang view nito nung nasa Puerto Princesa kami pero I think, dito ko iyon magagawa.

What happened last night?

Well, I decided to enjoy my room after we talked. Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko lang maging mag-isa kagabi. After thinking what I've been through this past years made me so confused.

Bakit nga ba kelangan kong maghiganti? Makakasaya ba sa akin iyon? Did I let myself be drowned by what happened in the past? Nilunod ko na ba talaga ang sarili ko sa ginawa niya at hindi ko man lang makayang pagkatiwalaan siya ulit? Pero kung iisipin naman ay gusto kong masigurado ang sarili ko. Kung magiging wais ba ako at wag magpapadaig sa nararamdaman ay magiging maayos ba ako?

I don't know. Di ko alam ang sagot.

Sa mga pinag-iisip ko kagabi ay ginusto ko na lang matulog. Well, that's my least escape from all of this.

Paglabas ko sa kwarto ay medyo madilim pa, ala-sais pa lamang ng umaga nang tsinek ko ang phone ko. Dinala ko ang camera ko at phone while I'm on my way to the shore.

I saw myself walking towards the shore, medyo madilim pa ngunit mas gusto ko ito. I feel calm just by seeing this view. Tahimik akong umupo sa dulo ng infinity pool dahil doon mas maganda ang view ng sunrise.

**

"Rhine, tara uwi na tayo. Gabi na. Hahanapin na ako ni Dad," saad ko nang gumagabi na. Dinala niya ako sa restaurant nila at sabi niya ay siya ang magluluto. Well, I enjoyed it naman dahil hindi na palpak ang niluluto niya.

"Tara na?" He said and then escorted me outside. Tuwang tuwa ako sa nangyari ngayong gabi. After he said he likes me, niyaya niya na ako agad lumabas para maipagluto ako.

Nang lumabas kami ay agad kaming tumungo sa kung saan ang kotse niya. Napansin kong naiwan ko sa loob ang purse ko. Well, I decided to wear something girly that time kaya purse ang dala ko. Napakakakalimutin ko nga lang. Tsk.

"Oh, wait! Naiwan ko ang purse ko, Rhine!"

"Balikan ko lang saglit," saad ko pero pinigilan niya ako.

"Ako na. Dito ka na lang," saka siya tumakbo pabalik sa restau.

Nakahilig lang ako sa kotse habang naghihintay. Ilang minuto ang nakalipas pero wala pa ring Rhine na lumalabas kaya medyo naiinip na ako. Hinintay ko pa siya ng ilang minuto pero may dumating na mga lalaking hindi ko kilala. Dalawa silang lumapit sa akin napaatras ako.

"Hi sexy, nag-iisa ka lang ata? Gusto mo sumama sa amin?" Malalim ang boses ng isang lalaki. Kinilabutan naman ako doon.

"Oo nga naman, sumama ka na. Magliliwaliw tayo! Mukhang bored ka rin," sabat naman ng isa.

Hindi ko sila pinansin at patuloy na hinintay si Rhine. The heck, ang tagal niya!

"Who told you I am bored?" Asik ko sa kanilang dalawa. Hindi naman ako ganito pero sa approach nila sa akin ay may masama silang gagawin at kelangang hindi ko maipakitang takot ako. Mas magkakaroon sila ng lakas ng loob kung ipapakita kong natatakot ako. A little bit pero kung papadaig ako'y hindi ako magkakaroon ng presence of mind para maipagtanggol ang sarili ko.

"Kami. Nag-iisa ka lang dito at alam naming gusto mo nang kasama. Sasamahan ka nga namin, eh!" Inis na saad sa akin ng lalaking may malalim na boses.

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon