Chapter 14

123 3 0
                                    


Misunderstood

We arrived home, safe and sound. Sina Mommy at Daddy ay walang muwang sa nangyari sa aming dalawa ni Rhine. Walang imik akong pumanhik sa kwarto ko para makapagpahinga. After what happened, hindi na nakipag-usap o lumapit sa akin ulit si Rhine. Everytime he looks at me, he seems cold and different. Sino ba naman ang hindi magiging cold at mag-iiba ang tingin sa akin? Ako lang naman ang natuwa nang nasaktan siya kahit mahal ko pa siya.

Kahit pa sinungaling iyon lahat.

Kahit pa nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Kahit pa gusto ko siyang hagkan at yakapin. Kahit kasalungat iyon ang gusto kong gawin.

Kahit pa gusto kong humingi ng pasensya sa kanya pero nauunahan lang ako ng takot at kaba na baka hindi niya na nga talaga ako mapatawad. Sino ba namang kaya patawarin ang taong hiningan mo na nga ng kapatawaran pero ibinalik din sayo ang sakit na naramdaman niya dati? Take note! Sumaya pa nang makita kang umiiyak?

Ginusto mo yan noong una, hindi ba? Bat hindi ka masaya?

I sighed, I just ruined the trip that was almost perfect. Okay na sana kami ni Rhine pero hindi ko siya nabigyan ng chance. Instead, I used it to see him die in pain.

Napakasama ko lang, hindi ba? I exhaled.

Nagpakain ako sa galit ko and that means I need to live miserably like him. Ginusto ko rin naman eh. Kaya paninindigan ko.

I took a bath then drag myself in bed.

**

Days passed and I am here, wasting my days in my room kahit pa malapit na ako umalis. Minsan, pinapalabas ako ni Mom and Dad ng bahay pero mas gusto ko lang na nandito. I'd rather read or surf the net to kill time. Atleast, andito ako at kasama sina Mommy and Daddy bago ako umalis. Minsan kung nararamdaman kong malungkot ako ay pumapasok ako sa kwarto nila at nakikisiksik, I'd hug my Mom then fall asleep after. Ibang iba ang pinanggagawa ko ngayon kesa noong nasaktan ako, I never pushed my loved ones. I realized, they're all I need the most.

Aaminin ko, naalala ko ang mga memories na meron kami ni Rhine. Lalo na noong nasa Palawan kami. I missed the way he hug me from behind, I miss the way he kiss me, I miss the way he stares, I miss the way he tells me I'm beautiful even if I just got up from bed, I miss the way he tells me he loves me and I miss the way he tease me. I felt the same pang of pain I felt noong nakita ko siyang umiyak sa harap ko.

I opened my netbook and I saw our silhouette shot on my desktop. Yes, we are in my desktop. I loved this shot. Ito rin ang gusto niyang picture as I remember it clearly. I felt the familiar sting in my chest. Kapag naalala ko kung paano niya ako napasaya nang mga araw na ito ay sana'y hindi ko na pinakawalan ang mga araw na iyon. I should've gave him the chance to show me I am always his only one.

Pero ako na naman ang sumira nang kung anong meron kami. Naramdaman ko ang luhang dumadaloy ng malaya sa mukha ko. Damn, its harder to move on this way.

I regret going back and planned the vengeance when I could just move on and live the life I want pero heto na naman ako, I made everything complicated. Complicated that I hurt the man I loved the most. Nasapo ko ang noo ko and started sobbing. Damn, everything feels so heavy inside me. Hindi ko alam pero ngayon lang ulit ako umiyak after what happened in Palawan. Ganon na nga yata ako kamanhid para maisip na nagkamali ako.

Natigil ang pag-iiyak ko nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Who is it?" I struggled not to sound sad.

"Andito si Apriel at Yuki. Binibisita ka, nak." Rinig kong sabi ni Mommy sa labas.

Agad kong pinalis ang luha ko saka binuksan ang kwarto, ngumiti ako nang makita silang dalawa.

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon