Chapter 11

89 2 0
                                    

Two years ago

"Sabrina, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong sakin ni Yuki.

"Makikipagkita ako kay Rhine, gusto daw kasi niya ako makita. Yuki, pleaaaaase?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hoy Sab! I'm telling you! Wag kang masyadong magpadala diyan sa lalaking yan. Kakabreak lang niyan sa EX niya tapos ikaw na yung nilalandi? Ano yan?! Kayo na ba? Aminin mo!" pagalit na sambit ni bespren.

"Hindi naman kami eh. Tsaka nagpapadala ba ako sa kanya? Friends lang kami. Friends! Yuki-chan naman eh!" pagmamaktol ko sa kanya. Knowing my bestfriend, she's just concerned about me and natatakot siyang masaktan ako. Alam niya naman kasi kung ano ang mga pwede kong gawin. I get too emotional at umiiyak parati pag nasasaktan. I dunno, napakafragile ko nga raw at sensitive.

"Basta pag nasaktan ka wag mo akong sisihin ah. Halata kong may gusto ka na sa kanya bes," seryosong saad sakin ni Yuki habang naglalakad kami sa mall.

"Bes, kahit ngayon lang oh, " pagmamakaawa ko. Pamimilit lang ang katapat niyang si Yuki, alam kong hindi naman niya ako matiis eh.

"Oh, sige na nga! Teka lang, alam ba niyang pupuntahan mo siya sa tinatambayan niya?" tanong niya sakin habang naglalakad kami patungong Soft Omega.

Ang Soft Omega ay isang computer shop na kakilala ni Rhine ang may ari, medyo known na rin ako dun kaya hindi na ako nagkakaron ng problema kung pupunta ako anytime.

"Hindi eh. Though okay na rin yun minsan lang ako magpakita sa kanya. Surprise na yun," masigla kong sagot sa bespren ko.

Mabilis na narating namin ang lugar at agad kong hinanap si Zen, pero nagtaka ako nung mukhang nagulat ang mga tao sa pagdating ko.

"N-nasa loob. Puntahan mo na lang," sagot nung taga bantay.

Anong meron dito?

"Okay po kuya!" masaya kong sagot tapos hinila si Yuki sa loob.

Bigla na lang nawala ang ngiti sa mukha ko sa mga nakita ko, my world crashed. Nabuhusan ako nang malamig na tubig. Masyadong masakit to the point na napaluha ang mga mata ko nang hindi ko napapansin. Paano ka tatawa kung ang taong nagugustuhan mo ay may kasamang iba? Nakita mo pang naghahalikan. Ang masaklap pa, umamin na siyang mahal niya ako pero kagaguhan lang pala. Putangina lang diba?

"Bes..." rinig kong tawag ni Yuki, may mga sinasabi siya ngunit hindi ko naririnig. Tanging naririnig ko lang ay ang puso kong bawat tibok ay halos nadudurog sa mga nakikita ko. Ang lakas ng pagtibok niya na parang aatakehin ako. Para akong pinapatay paunti-unti. Napakasakit. Bat di na lang ako pinatay nang diretso, hindi ba?

Nahawakan ko ang pisngi ko, lumuluha ako. Napatalikod na lang ako at humarap kay Yuki, hinawakan niya lang ang mga balikat tsaka niya ako niyakap.

"Tara, alis na tayo?" Sabi niya sakin habang hinahagod ang likod ko at niyakap ako.

"Hindi, okay lang to bes. Kaya ko itong harapin," I said, breaking the hug and wiped my tears.

Huminga ako ng malalim para mabawasan ang pagbabara ng aking lalamunan tapos humakbang papunta sa harap ng lalaking kinamumuhian ko.

"Hoy!" tawag sakin ni Yuki pero huli na. Nasa harap na ako ng taong ginamit ako para lang makamove on siya, hindi man lang inintindi na minahal ko siya. Oo mahal ko siya kahit pa para sa kanya wala lang yung samin.

"Oh Rhine, yan pala ex mo? Nagkabalikan kayo? Congrats ah," saka ako tumawa ng pagak. Who would've thought I'll be this pathetic? Lumuluha ako sa harap ng taong unti-unti kong kinamumuhian ngunit wala na akong pakialam kung anong hitsura ko ngayon. Durog ako't si Rhiniere ang may kasalanan ng pagkadurog ko.

"S-Sab-" tanging nasabi niya, halatang nagulat siya. Wow naman. Ang saya naman talaga. Nagulat pa siya diba? Nakakagulat bang andito ako ngayon at nahuli silang dalawa? O nakakagulat kasi ngayon ko lang nakita?

"Oy ikaw ba yung Sab? Ang ginamit na pagpapaselos ni Zen sakin para makipagbalikan ako sa kanya?" masayang sambit nung babae.

Wow, "ginamit." Napakagandang term for me. Napakagandang sampal sa akin ang sinabi niya.

Nakita kong pasugod na si Yuki sa babae pero hinawakan ko ang kamay niya. Umiling ako. We can't create a scene like that. Cheap iyon at kung tutuusin, wala kaming label ni Rhiniere. Wala lang iyong sa amin. Kaya kahit saktan namin ang babae'y ako ang talo. Ako ang talo kasi ako ang nahulog ng sobra sa taong gagamitin lang ako para siya yung makaraos sa sakit na naramdaman niya. Ba't nga ba hindi ko inisip iyon?

"Ahh... Ganun ba yun? May plano pala talagang manloko yan. Salamat ah, marami talagang salamat. Buti na lang di ako agad naniwala. Well... Magsama kayo," sagot ko sa babae tsaka ngumiti ng napakatamis sa gagong ginamit ako. Hindi ko kailangang ipakitang nasasaktan ako kaya minabuti kong umalis agad sa harap niya.

"SAB!" tawag niya pa sakin. Habang ang mga tao nakapaligid samin ay parang nanuod ng teleserye. Huminto ako at tumingin sa mga tao.

"TAPOS NA PO ANG PALABAS! Utang na loob mind your fuckin' business." Saka naman nagsialisan ang mga tao nang sinabi ko yun.

Bumaling agad ako sa taong unti-unti'y kinamumuhian ko. "I hope you're fvcking happy now," then I walked away.

Matapos ang pangyayaring iyon ay maaga akong umuwi. Gusto sanang sumama ni Yuki ngunit hindi ako pumayag. I told her I want to be alone. Mom asked me if what happened pero nanatili akong walang imik at pumasok sa kwarto. Nagkulong ako buong araw. Kung kelan ako tatawagin para kumain ay doon lamang ako lalabas ngunit napakakonti lang ng kinain ko. Nagtagal iyon at hindi na ako naging ganoon ka palatawa. Apriel and Yuki often calls me and asked me to hang out pero hindi ako sumasama. Hindi na rin ako sumasama sa mga lakad ng parents ko every Sunday. Parati kong sinasabi sa kanila na masama ang pakiramdam ko at gusto ko na lang magpahinga at matulog pero tanging iyak at hagulgol lamang ang ginagawa ko habang wala sila. Alam kong alam nila na may nangyari sa akin pero hindi nila ako tinatanong. Hinahayaan lang nila ako kaya nagpapasalamat na lang ako sa pagiging understanding nila sa akin.

I pushed everyone away because I am miserable. Hanggang sa dumating ang araw na nagpaalam ako sa parents ko kung pwede bang sa Cebu na ako mag-aral pagka-college. Since ayaw nilang dito ako at ayaw din nilang sa Manila ako dahil magulo raw doon. Nagulat sila dahil ayaw kong lumayo sa kanila pero nang sabihin ko iyon ay nakita kong nangilid ang luha ni Mommy.

"Anak, bakit ka lalayo? Ano ba ang nangyari? Tell Mommy what happened," tsaka niya ako hinila palapit sa kanya.

"Mom, diba gusto niyong doon ako? Pumayag lang ako. Nothing happened." Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.

"Dahil ba ito kay Rhiniere, anak?" Matigas na sambit ng aking ama.

Umiling ako, "Nothing happened, Dad. I just want to experience a different environment. Saka para naman malaman ko kung maganda ba talaga doon sa hometown mo, Dad." Saka ako ngumiti.

"Anak, kahit ayaw mo sabihin sa amin na may nangyari ay alam na namin iyon. Kami ang magulang mo kaya kahit anong tago mo sa amin ay malalaman at malalaman namin iyon. Lumaki ka sa amin, kami ang nag-alaga sa iyo kaya wag mo itagong nasasaktan ka. We love you, anak. We are here through thick and thin kaya wag mo itago ang lahat nang nararamdaman mo dahil naranasan na rin namin iyan. Don't push us away dahil nasasaktan din kami," mahabang sinabi ni Mom tsaka niya ako hinila at niyakap. I saw myself crying in front of them.

"I'm sorry, Mom. I just want to move on. Gusto ko lang lumayo muna. Ayokong makita ang mukha ng lalaking iyon. Hindi mangyayari iyon kung dito ako kasi alam kong pupunta siya dito at guguluhin ako."

"Your daughter is right, hon. Maybe that's her way of coping up. Kaya suportahan na lang natin. Pwede naman tayong pumunta doon kung gusto natin," sabi ni Dad at niyakap ako.

"Kung yon ang gusto mo ay hahayaan ka namin." 

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon