Chapter 4

185 4 4
                                    

 Room

Nakipagkita ako kela Apriel at Yuki the day before kami umalis. Bumili kasi ako ng mga swimsuit and other essentials. Aba! Minsan lang kami pupuntang Palawan!

Tapos hindi ko pa ise-cease ang limang araw na bakasyon. Kahit hindi ko feel ang kasama ko, I'd still need to enjoy my vacation. Afterall, I'm with my parents.

"Anong plano mo, sis?" Tanong ni Apriel nang umupo kami sa tinatambayan namin. Pagod sa kakapili ng mga bibilhin.

"Eventually, let him fall for me. Hard." I said. Since mukhang kami talaga ang magkakasama niyan.

"Ohhh." Sagot nilang dalawa na nagkatinginan. Agad naman silang tumingin sakin after giving me that kind of reaction.

"You might be the one who'll fall in love again with him. Hard." Sabi ni Yuki.

"I'm telling you, Sab. You're playing with feelings, or I'd rather say emotions. Baka sa huli, ikaw rin ang magsisising nakipaglaro ka ulit sa pagmamahal na 'yan." Dagdag ni Apriel. Napaisip ako sa sinabi nila, dati ko pa naman iniisip yang sinasabi nila ngayon. Of course, hindi naman kasi nawala ang feelings ko sa lalaking yun. Pinipigilan ko lang naman. Pinipigilan kasi ayoko nang masaktan. I've built concrete walls around my heart just to protect it. Ayokong may iba pang taong makagiba noon. Ayokong maramdaman ulit ang sakit na naramdaman ko dati. Ayokong mabaon ulit sa kawalan. I don't want to lose myself again.

"O-of course not. I won't be fooled again by the same person who broke my heart." I said and looked away while took a sip from my green tea frappe. Nagkibit balikat na lang sila tsaka uminom ng kani-kanilang mga inorder.

Pumunta kami sa mga boutiques after that. Bumili pa ako ng sunblock and kung anu-ano pang nakalimutan ko kanina. Mag-isa lang din naman ako sa kwarto so wala akong problema kung matatagalan ako sa banyo. Vacation is vacation!

Relaxation overlooooaaaad! Hihihi.

Sa labas na rin kami kumain since nakakamiss tong dalawang to. After eating, kanya-kanya na rin kaming nagsiuwian. Wala eh, dala namin yung mga sasakyan namin pareho. Nagsipag ata ang dalawang magdrive or maybe may pupuntahan pa. I don't know.

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong sinalubong nina Mommy at Daddy.

"Where have you been, Sab?" Tanong ni Mommy.

"Ah. Nagkita kasi kami nina Apriel at Yuki." I answered and then kissed her cheek. Ganon din ang ginawa ko kay Daddy na nasa tabi lang ni Mommy.

"Nakapagdinner ka na ba?" Tanong naman ni Dad.

"Oo, Dad. Kakatapos lang namin kumain. Diretso uwi kami agad." Sagot ko naman.

"All right. Magpahinga ka na, Anak. Maaga pa tayo bukas." Sabi naman ni Mommy kaya sumunod na lang ako.

"Okay mommy! Good night. Sweetdreams! I love you! Kayo ni Daddy!" Sabi ko naman habang nagmamadaling pumunta sa kwarto. Excited ako, eh! Kahit kasama ko ang taong kinaiinisan ko.

Pagdating ko sa kwarto, agad akong pumunta sa banyo at ginawa ang ritwal ng mga kababaihan. After that, nagbihis na ako and then nilagay ang mga pinamili ko kanina sa dadalhin kong bag bukas. Natulog na rin ako.

Kinaumagahan ay maaga akong ginising nina Mommy at Daddy. Pano ba naman, nandiyan na raw ang mga Piacci. If I know, excited din silang magbakasyon.

Masusundan na ako!

Gusto ko nang bouncing baby boy. Kung magkakaron man. Hahaha.

As usual, naligo na lang din ako. Pumili ako ng damit sa closet ko. Ang napili ko ay isang highwaist shorts lang tsaka black crop top. Pano ba naman? Ang init, eh. Nagtsinelas na lang rin ako. Wala akong paki kung sasakay pa kaming plane papuntang Palawan. Agad akong bumaba para kumain ng breakfast.

"Oh anak, halika na rito. Eat your breakfast." Sabi agad ni Mommy.

"Good morning," Sabi ko and then kissed their cheek before going to my seat.

Tahimik kaming kumakain nang punahin ni Daddy ang suot ko.

"Yan lang ba isusuot mo, Sab?" Tanong ni daddy.

"Opo. Why?" Tanong ko pabalik.

"Baka nakakalimutan mong sasakay pa tayong plane?" Sagot niya sakin.

"Alam ko daddy. Ehhhh. Excited ako, eh. Tapos mainit kaya." Sagot ko.

"Malamig sa airport, Sab." sagot naman ni Mommy.

"Oo nga pala. Oo na oo na. Pwedeng pants lang?" Tanong ko.

"Ikaw bahala. Magshorts ka lang pag nasa hotel na tayo." Sagot ni Daddy. After eating agad naman akong nagpalit ng highwaist pants para hindi na ako magpalit ng top. Maya-maya pa ay dumating na ang mga Piacci. Kasama nila?

Nevermind! Nawala ako agad sa mood.

Kung di lang sila may pakana nitong pagpunta sa Palawan, di talaga ako sasama. This is just for the sake of Palawan experience! Kung hindi lang ganon ka kuripot si Dad, matagal na kong nakapunta don!

"Good morning, Tita and Tito." Bati ko nang makita ang Mama't Papa nitong gagong nasa harapan ko. Nakipagbeso naman agad ako mga magulang niya.

Ganon din ata ang nakita kong ginawa niya sa parents ko.

"Naku! Ang laki ng pinagbago mo, Hija. Ang ganda ganda mo na at ang sexy mo pa. Bagay rin sayo ang bago mong look!" Sabi ni Tita at pinaikot ikot pa ako. Nahilo tuloy ako nang konti.

"Tama na yan Mom. Mahihilo yang si Sab, eh." Sabi ni Zen.

Natawa na lang si Mom at Dad pati ang parents ng ungas sa ginawa niya. I can't help but frown and look heavenwards. Ang mahihirapan ako sa pakikisama sa isang to.

Nagkamustahan naman rin sila at maya maya'y nag-aya nang umalis. Wala naman na pala kaming problema. Business class ang kinuha nila para daw hindi naman crowded masyado. Agad akong nagsuot ng aviators and then sumunod na. Gusto nilang magkatabi kami ni Zen kaya anong magagawa ko? Edi nasa tabi ko siya habang ako naman busyng-busy sa iPod ko. Ayoko kaya kausapin yan. Mawalan pa ko ng excitement sa Palawan. Tss. I took photos that I posted in instagram. Natawa ako, for the sake of my instagram feed.

Ilang oras kaming naghintay at we flew all the way to Puerto Princesa, Palawan. I took another photo to be posted when we get there. Matutuwa sana ako pero magkatabi kami. Sinadya talaga nila. Ugh. Edi tahimik na lang akong natulog kesa naman masungitan ko tong baliw na to, baka sabihing bitter pa ako sa kanya. No way highway!

Madali kaming nakarating sa hotel. Agad naman kaming pumunta sa resort at ang galing! Refreshing! Ang sarap ng simoy ng hangin! Tapos maputi ang buhangin sa beach. Wow. Kaya nung nakacheck in kami, agad naman akong nagmadali papuntang kwarto ko nang makita kong may kasama ako.

Pagtingin ko.

PAKSHET. HINDI NGA AKO NAG-IISA SA KWARTO!

Hindi rin si Mom and Dad ang kasama ko. Just what the heck?! 

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon