Guilt
Matagal ang aming byahe kaya pagod na pagod kami nang dumating sa El Nido. While we are on our way, busog na busog ang mata ko sa ganda ng paligid. Busog na busog din ang aking memory card dahil sa pagpipicture ko sa kada makikita kong magandang view. This island is rich with picturesque view na gugustuhin talagang puntahan ng mga turista lalo na nang mga foreigners.
Pagkarating namin sa aming hotel ay tsinek ko agad ang beach at ang infinity pool. Saktong sakto sa view ang pool dahil para siyang extension ng dagat sa isang tingin. I wanted to take a dip pero gusto ko sanang magpahinga muna. Rhine told me that we have different rooms kaya mas maeenjoy ko ang kwarto ko. And that means, pwede na rin akong tumawag kina Apriel at Yuki. Well, di ko pa kasi natsi-tsek ang texts ko dahil nainlove ako sa Palawan. If I know marami na ring texts ang mga loka-lokang iyon kung buhay pa ba ako.
While on our way to our respective rooms ay hinatid muna ako ni Rhine sa aking kwarto. Dala dala niya kasi ang maleta ko na kanina ko pa gustong kunin pero ayaw naman niyang ibigay. He said he wanted to carry it for me kaya hinayaan ko na lang. And besides, mabigat naman talaga ang maleta ko. Hindi kasi ako light packer.
Poor me. Tsk.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto ko ay nagsalita siya, "Pumasok ka na. Malapit lang ang kwarto ko dito kaya mababantayan kita. Wag kang magpapapasok ng kung sinu-sino kahit pa housekeeping iyon!" Hindi naman ako makapaniwala sa huling sinabi niya. May saltik ata siya ngayong araw.
"Huy, bat pati housekeeping? Sira ba ulo mo? Syempre kelangan nilang gawin iyon kesa mapagalitan sila. Tsaka ayokong madumi ang kwarto ko hanggang huling araw natin dito ano!" Kontra ko naman sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. We will stay here for 4 days and 3 nights kaya hindi pwedeng di ko ipa-housekeeping ito!
"What? I just need my room to be clean! Wag ka ngang OA, I know how to protect myself." Tsaka ko siya sinamaan ng tingin. This guy sure knows how I can crack some eggs if I need to.
"Alright! I'd still check on you no matter what!"
I looked heavenwards, this guy is still stubborn! Ang sarap batukan.
"Whatever. Pasok na ako."
"Wait!" Pigil niya sa akin.
Lumingon ako sa kanya kahit nasa loob na ako ng aking kwarto, nakahilig ako sa pinto nito. "What?"
Ngumuso naman siya, as if he wanted something from me. Nagets ko ang pinapahiwatig niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ko pinapakitang alam ko ang gusto niyang gawin ko.
"What's with that duck face?"
Kinamot niya ang ulo niya tsaka yumuko, I could see his ears turning red. Napangisi naman ako pero pinagpatuloy ko ang panunukso sa kanya. "What?" I asked him.
"Uh-uhm, nothing. Sige pasok ka na."
"Alright, but wait! Lapit ka muna dito," utos ko sa kanya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin na nagtataka.
"Bakit?" saka ko inaksyon ang kamay ko para lumapit siya.
"May dumi ka sa mukha." Nang ilapit niya ang mukha niya sa akin ay mabilis kong dinampi ang labi ko sa pisngi niya. Mas lalong namula ang kanyang mga tenga, natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Sige na. Pasok na ako." Saka tumawa, iniwan ko siyang nakatunganga pa rin at gulat sa ginawa ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay napahilig ako sa pinto. Mabilis na huminga ng malalim at hawak hawak ang dibdib.
I could feel my heartbeat. Malakas ang pintig nito. Di ako makapaniwalang nakaya kong gawin iyon. Nanginginig din ang aking tuhod. Bakit kahit sa simpleng ginawa ko lang sa kanya ay ganito ang epektong nagagawa niya sa akin?
BINABASA MO ANG
Back with Vengeance (FIN)
RomanceShe saw him looking at her like he used to. He was the same old guy she knew but she was never the same. She was wrecked the last time she saw him with another woman. Paano niya iyon makakalimutan? Iyon ang dahilan kung bakit siya nagbago; pananami...
