Chapter 5

213 2 0
                                    


Palawan

He's outside the room, in front of MY room because I'm also here! I don't know if dito rin siya pero sa pag-aassume ko, makakasama ko siya sa kwarto!

"What are you doing here, Rhiniere?" I ask in a bland tone.

"I will stay here, too. Unfortunately, you have to share your room with me," he said then got inside the hotel room we both share.

**

"Mom! Dad! Bakit magkasama kami sa kwarto? Ano ba naman yan? Kita niyo na ngang bwesit ako sa tao eh!"

"Anak, we don't have a choice. Wala nang room si Rhiniere and besides, hindi naman tayo dito magsistay for good. We'll travel to El Nido after our tour here. And! You should prepare by now," Mom answered me without hesitation.

"Anong gagawin, Mom?" tanong ko.

"We'll enjoy Puerto Princesa, Hija! We still have a day. So, prepare!"

"Alright, Mom. I'll go back to my room to prepare." Saka ako lumabas sa kwarto nila.

Umalis ako agad nang malaman kong magshe-share kami ng room ni Rhiniere. I forced Mom and Dad na makipagshare sa kanila ngunit nang makita ko ang room ay hindi naman kami kasya. It's only good for two! Kapag naman gustuhin kong doon talaga ay may bayad naman. Well, Mom and Dad doesn't want another expense so they decided to make a sacrifice. And that means, I am the sacrifice kahit magalit pa ako.

Napakakuripot lang. I thought I'm their princess? Umiling ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ganon ang gagawin nila. Anyway, gusto ko naman magkaron ng bunso kaya hinayaan ko na lang.

Mabilis akong dumating sa room nang papalabas naman ng kwarto si Rhine. Good! Di ko na kailangang paalisin siya sa kwarto.

"Buti naman lumabas ka na kahit di ko sinasabi," tsaka ako pumasok sa loob ng kwarto naming dalawa.

Naligo na muna ako at pagkatapos ay nagbihis ng black neoprene bikini and a white boho dress. Naglagay ako agad ng sunblock and brought my aviators and a summer hat.

Lumabas na ako ng room nang mapansin kong nasa labas si Rhiniere. I can't understand his reaction pero hindi ko na lamang inintindi ito. Instead, naglakad na ako papunta sa kung nasaan sila Mom and Dad. I can see them from here.

Pagkarating ko sa kinaroroonan nila ay nakipagbeso beso ako.

"Oh, anak! Where's your roommate?" tanong sa akin ni Dad nang makita ako. Rhine's mom and dad are here, too. Tumitig ako kay Mom, well. Not bad. She's wearing a white see through dress and then makikita ang black bikini sa loob nito. Chineck ko rin ang suot ni Tita, she's wearing a black see through one tapos white monokini naman ang nasa loob nito. They are also wearing big summer hat that actually looked good on them, then sunnies. Lakas makabagets ang dalawa!

I checked on Dad's outfit and he looks cool. He's wearing a white shirt and a floral beach shorts. Ganon rin si Tito.

"Oh, here he is! Hijo, san tayo unang pupunta?" His dad asked him. Hindi ko nilingon ang ungas. Nasa likuran ko siguro siya the whole time.

"San niyo gustong unahin, Tito?" Baling niya kay Daddy.

"It's up to you," nakangiting saad ni Dad. Wow, Dad? Really? After this guy broke the heart of your princess?

"Honda Bay island hopping muna po tayo tas bukas bago tayo umalis ay mag-a-Underground River tayo," nakangiting saad ng lalaking ito. Naiinis ako sa kanya pero nang malaman ko kung san kami pupunta ay naexcite agad ako!

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon