Chapter 1

350 5 4
                                    

Guest

"You're going home tomorrow?! Oh my gosh Sabby susunduin kita bukas sa airport ah!!" Tili ni Yuki sa phone.

She's the one insisting na umuwi na ako noong alam niyang wala pa sa plano ko iyon. But I was just fragile and sensitive about what others would say about me kaya umalis ako, wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil nagpakatanga ako sa pagmamahal na yan. Eh, kagaguhan lang naman pala yan! Andali kasing masabi na mahal ka pero pag kailangan patunayan, wala ka nang maipakita! Bagsak na agad! The day na nakita ko ang ganung eksena, I despised love.

Yes, I love my parents. I love my friends but I trust only few of them. And Yuki, Corrine pati si Apriel lang ang pinagkakatiwalaan ko.

"Okay, just pick me up there at the airport. You have your own car naman," I said happily while putting my things in my luggage.

"Kelangan may party ah! Hahaha!" Excited na sambit niya sa kabilang linya. Kahit kelan talaga party animal ang isang ito.

"I'll surprise Mom and Dad about going home Yuki. I know they missed me too much. Next week na lang after I got there siguro," Sabi ko sa kanya..

May naiisip na naman akong kalokohan, sa party na yun I'll invite all my friends, friends ni Zen and pati na rin ang jerk na yun.

Let's see what you've got Rhiniere. Let's see.

"Hoy! Kanina pa ako dada ng dada, hindi ka nakikinig ah?!" Biglang sigaw ng kabilang linya. Napalayo ko na lang ang phone ko dahil sa ginawa ni Yuki. Gah! Alam na alam niya pa rin kung pano ibalik ang utak kong lumilipad!

"Arg! Yuki! Ano ba yun?!" Reklamo ko sa kanya noong binalik ko na ang phone ko sa tenga ko.

"I said, si Rhine (Rhiniere) may plano ka bang makipagkita sa kanya? He's been bugging me about you all the time---" she said in a serious tone.

"Oh well, nakonsensya yata sa kagaguhang ginawa niya sakin noon. Sabihin mo, babalik ako pero wag mong sabihing bukas." I said tapos hindi ko napigilang ngumiti.

"I think I have an idea why...." Sagot ng kabilang linya.

"Of course. Di na ako yung Sabrina na iyakin dahil nasaktan.. Ipapakita ko lang ang dapat na maramdaman niya." Sagot ko na lamang.

"He never stopped calling you daw pero di mo sinasagot, pati PM sa skype wala, kasi yung FB mo nadeact mo na daw." Saad naman ng nasa kabilang linya.

"Well, as you noticed nag iba ako ng number pero nakatiwangwang lang yung dati ko sa isa kong phone. Kung sa skype naman, he's not worth of my time. Di ako tanga na magpapauto na naman sa kanya," I said in a hard tone.

Nagpakawala na lang ng buntong-hininga si Yuki. She knows how angry I was habang nagmomove on sa Zen na yun. She knows I hate Zen so much.

"I know you hate him but don't you think he's really sorry?" Sabi naman agad ni Yuki sakin.

"Asking for someone's forgiveness is fine, I accepted the fact that I was fooled by a person but then I can't forget the things he did. Okay ako nung kinausap niya, pero nang niloko niya ako? I can't believe I had to imagine the feeling over and over again," dire-diretso kong sagot. Ninakaw niya puso ko. Binigay ko ang mga bagay na pwede kong ibigay ngunit ano? Ginamit niya lang pala ako? Nagtiwala ako ng buong-buo pero anong ginawa niya?! Ginago niya lang pala ako. Ang tanga ko.

"Alright. Alright. But don't you think hindi kapa nakapagrecover sa kanya?" Sagot niya after I've said those.

"Hay naku Yuki. Are you really excited to see me or interrogate me about that bastard?" I answered her frankly.

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon