Chapter 12

99 3 0
                                    

El Nido

After breakfast ay napagdesisyonan kong maligo at mag-ayos dahil may tour daw ulit kami ngayong araw. Hindi ko alam pero ang laki siguro nang nagastos nila sa trip na ito. Puro tour at kain ang ginawa namin dito eh. Bakasyon kung bakasyon.

Habang nag-aayos ako ay narinig kong may tumatawag sa phone ko. Before I checked it ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. I am wearing a gray neoprene bikini top paired with pastel floral white bottom. I just wore a white lacey cover up pagkatapos ay binalingan ko ulit ang phone ko and it's from Yuki. Ngayon lang siguro niya nabasa ang text ko sa kanya.

"Hello."

"Hello, Sab! Ano yung tinext mong okay kayo ni Rhine?! Bati na kayo?!" Bungad nang kabilang linya.

"Yeah? I guess so? I actually don't know, okay? Basta ang alam ko ay okay kami. Nag-uusap at di nag-aaway," sagot ko habang naglalagay ng sunblock sa aking mukha.

"So, ito na ba ang simula ng revenge mo, Sab?" tanong sa akin ni Apriel. Napatingin ako sa phone ko at the heck, nakaconference call kami.

"Wow, Yuki. Kailan ka pa naging ganito ka active sa chismis? Conference call, really? Hindi ko alam na nagpapaload ka na para lang malaman kung anong nangyare!" Sarkastikong saad ko at tumawa.

"Sab, sagutin mo na lang ang tanong ni Apriel!"

I became silent. I actually don't know.

"Now, you can't answer us. What happened now?" Tanong ulit ni Apriel.

"I don't know. I tinext kita kanina about doon, Priel."

I heard them sigh, saka nagsalita si Apriel. "Ano ba ang ginawa niya na parang nakapagpalusaw ng galit mo?"

Kumirot ang puso ko, "He said sorry. Gusto niyang bumalik kami ulit sa dati. Gusto niyang bigyan ko siya ulit ng chance pero alam niyo yung masakit? Gusto ko siya patawarin pero hindi ko magawa!"

Naalala ko pa rin hanggang ngayon ang ginawa niya. Naalala ko pa rin kung paano ko tinaboy lahat ng taong mahalaga sa akin, naalala ko pa kung paano ako lumayo para lang makalimutan yung sakit na naidulot niya. Nasasaktan pa rin ako. Nahihirapan pa rin akong kalimutan ang lahat.

"And that means?" Tanong ni Yuki.

"I don't know," tanging sagot ko.

"You're not that uncertain before you left, Sab. Can I ask you?" Tanong ni Apriel.

I kept silent.

"Since hindi ka sumagot, ipagpapatuloy ko ang tanong ko. Are you still in love with him? Dahil sa sorry niya pa lang at sa mga sinabi niya ay naging ganyan ka na. If yes, then don't continue the revenge. Masasaktan ka lang ulit." Mahabang litanya ni Apriel sa kabilang linya.

"Yes. Hindi pa rin yun nawawala, and it doesn't mean I won't continue the revenge I started. Mahal ko siya pero natuto akong mahalin ang sarili ko at ayoko na ulit magpakatanga."

"Mas nagpapakatanga ka ngayon, Sab. Hindi ka ganyan. Kelangan mo nang magpatawad kasi roon ka tuluyang sasaya. We want you to be happy, Sab. Hindi iyong ganyan ka-komplikado ang buhay mo," nag-aalalang sabi ni Yuki.

I sighed. I am certain. Bakit nga ba naging undecisive ko nang nagdaang-araw? I even promised myself na kahit anong mangyari ay hindi ako magpapaloko.

But he loves you and you're happy when you're with him. Kumirot ang puso ko.

I sighed again, seems like I need to control my emotions more.

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon