Epilogue

216 7 1
                                    

Rhine

"Pare, Sab is coming back. Alam mo ba iyon?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Thorn habang kaharap ang phone.

"Paano mo nalaman, Pre?" tanong ko sa kanya pagkatapos ay inagaw ang phone, titingnan ko sana kung kelan siya uuwi nang makapaghanda at mapuntahan siya agad! God, I miss my girl so much!

Lumaki ang mata ko, "Putangina, Pare! Kilala mo si Yuki?" tanong ko.

Agad niyang hinablot ang cellphone niyang hawak ko saka ako binatukan, "Putangina mo rin. Sino nagsabi sayong tingnan yan!"

"Anyway, si Yuki ba nagsabi na uuwi si Sab?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ang kumag, busyng busy sa phone niya. Aba ang gago pangiti-ngiti pa!

"Kelan daw ba uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon," natigilan ako pero agad na lumabas ng bahay. Tangina! Mas inuna pang sabihan ni Yuki si Thorn kesa sakin?!

"Hoy gago! San ka pupunta? Akala ko ba magluluto ka?!" pahabol na sigaw ni Thorn.

"Bukas na!" sigaw ko pabalik.

"Hoy, pare? Bat nagmamadali kang umuwi?" bungad sa akin ni Gio. Kakalabas niya lang ng kotse niya.

"Pare, uuwi na si Sab ngayon! Papunta ako sa bahay nila!" hindi mawala sa boses ko ang galak.

"Diba galit pa rin ang tatay non sayo?" tanong niya sa akin.

"Wala akong pakialam!" saad ko saka sumakay sa kotse at nagdrive.

I can't hide the excitement I felt when I heard she's coming. I've been waiting for her to come home. Mabuti na lang at uuwi na siya. Pwede ko na siyang mabisita at pwede ko na siyang masuyo ulit. I know I've been an ass but she misunderstood everything. Kaya ako bibisita at pupunta sa kanila para makausap siya ng masinsinan at masabi sa kanya na hindi ko iyon ginusto at ginawa. Alam na iyon ng mga kaibigan niya, gusto na nilang sabihin iyon kay Sab pero pinigilan ko sila. Dapat ako ang magpapaliwanag sa kanya ng lahat. I should be the one telling her that I didn't meant to do that.

**

"Pare, Dota!" aya sa akin ng mga kaibigan kong si Thorn at Gio, kasama nila ang iba nilang kaklase. Wala na kasi kaming klase at wala na rin silang trip. Wala na naman kasing mga babaeng pwede nilang pagtripan at mai-date kaya Dota na lang ang gusto.

"Ge," sagot ko saka sumama sa mga ungas.

"Pare, kausapin niyo nga tong kaibigan ko. Tangina, ang tagal nang nagpapakagago sa babae!" saad niya habang ang kaibigang tinutukoy niya ay mukhang wala sa sarili at hawak hawak ang cellphone.

"Oh? Ano bang nangyari diyan?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa café na pinagmamay-ari ng tatay ni Gio.

"Naloko. Nakitang nakikipaglaplapan sa harap niya. Aba! Ang gago umiyak sa harap nung babae!" Kwento sa amin. Sinamaan ng tingin ng lalaki yung kaibigan niya pero hindi nagsalita.

"Ano ba pangalan?" tanong ni Thorn.

"May plano ka sa babae, pre?" tanong ni Gio. Tumawa naman ako.

"Baka isa sa mga babae ko, maresbakan lang." saad ni Thorn.

"Belle." Sagot noong lalaki. Tumango naman ako nang malaman ko ang pangalan.

"Resbakan natin, ano?" aya ni Thorn.

"Hindi ko alam na bakla ka, pre. Pumapatol ka pala sa babae. Putangina. Akala ko ba minamahal sila at nilalandi? Bat sasapakin mo?!" saad ni Gio. Tahimik lamang akong naglalakad habang nagsasalita sila.

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon