Best and Worst
We enjoyed our trip yesterday kaya ngayon medyo lie-low muna kami. Napagod kami sa ginawa namin kahapon kaya I decided to enjoy my room. We took breakfast and then medyo umiiwas na rin muna kay Rhiniere. Hindi ko siya matingnan nang diretso lalo na't sinabi niya sakin na mahal niya ako. Hindi ko alam kung paano ko makakaya ang matingnan siyang masaktan pag sinabi kong mahal ko siya pero hindi ko kayang makalimutan ang nagawa niya.
I decided to check the photos na nakunan ko noong nasa Puerto Princesa pa lamang kami hanggang nandito na kami. Pinaglalagay ko lang kasi lahat sa netbook ko ang lahat ng photos dahil mabilis mapuno ang memory ng cam pag di ko nilagay lahat. So, kinlick ko ang Puerto Princesa na album at bumungad sa akin ang maraming pictures nang lugar.
Naalala ko tuloy kung gaano ako naiirita at naiinis sa kasama ko sa kwarto at kung paano niya ako pinapakaba nang magkasama kami sa iisang kwarto. Paano ako umiiwas at paano ko siya irapan kapag nakikipag-usap siya sa mga magulang ko at kung paano ako naiinis kapag nagiging mabuti ang makikipag-usap nila sa kanya.
I saw our first picture together, natawa ako sa mukha ko. Halatang pilit ang pagngiti pero nakita ko ang pagtingin ni Rhiniere sa gawi ko. Napakaseryoso niyang tiningnan ako na parang nakikita niya kabuuan ko. Hindi ko tiningnan ang picture naming ito dahil nainis ako at plano ko pa talagang idelete ito, ngunit ngayon halos ayoko na idelete. Ito ang panahong galit na galit ako sa kanya at gusto ko siyang pahirapan. Pinilig ko ang ulo ko nang maalala iyon.
Dahil medyo maaga pa naman ako nagising, I tried to check the wifi. Nang matantya kong mabilis ito ay kinonek ko ang phone ko sa netbook saka ko nilagay ang ibang gusto kong picture. Ganon din ang ginawa ko sa ibang pictures na nakunan ko dahil i-eedit ko pa ito through my phone. Nilagay ko sa phone ko ang pictures naming pamilya and ang silhouette shots namin ni Rhine, pati na rin ang unang picture naming dalawa. Pati ang ibang pictures na pwedeng iupload sa instagram at twitter.
After gawin iyon ay saka ko na inoff ang netbook ko saka ako humiga ulit sa kwarto at nagpakasasa sa pag-eedit sa phone. Matagal ko nang gusto ang photography kaya nang sumikat ang instagram ay pumasok ito sa trip ko. So, don't judge!
**
"Love? Gising! We'll eat lunch." Nakangiting bungad sa akin ni Rhine. Nabigla naman ako dahil napasok niya ang kwarto ko.
"What the hell, Rhine? Paano ka nakapasok?" tanong ko sa kanya habang nakapalumbaba. Gulat dahil sa pagpasok niya sa kwarto at dahil di pa nagigising ang diwa ko.
"Well, I told the front desk that my wife became emotional at ayaw akong papasukin sa mismong hotel room namin kaya I asked for their spare key," nakangising saad niya na nakapagpa-iling sa akin.
"Gosh, I can't believe you did that!" Nakakalokang isiping nakakaya niyang gawin ang mga ganito nang hindi nahihiya. Feeling ko naiinis na ang front desk sa akin kasi ang daming demands! Demands na hindi ko naman pinapagawa sa kanya kasi kusa niyang ginagawa!
I felt his warm arms wrapped my body, his chin resting on my shoulder. I felt the same feeling he always does. I felt the same butterflies I usually get when I'm with him.
"I am trying my best to win you back, Sab. I am trying my best to gain your trust again. So let me do these things even if it makes me dumb dahil ayaw kong mawala ka na naman ulit," he whispered. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Kumirot ang puso ko sa biglaang pagsasalita niya. Hindi ko kaya ang pagpapakita niya ng kagustuhang maibalik ako ulit sa buhay niya.
I feel hurt and yet I feel happy. Nasasaktan kasi in the end, masasaktan ko siya at masaya kasi mahal niya pa rin ako at mahal ko rin siya pero hindi iyon sapat para mapatawad ko siya.
BINABASA MO ANG
Back with Vengeance (FIN)
RomanceShe saw him looking at her like he used to. He was the same old guy she knew but she was never the same. She was wrecked the last time she saw him with another woman. Paano niya iyon makakalimutan? Iyon ang dahilan kung bakit siya nagbago; pananami...