Chapter 2

238 5 2
                                    

Plan

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Hey! Get off me!" Sigaw ko sa kanya habang nilalayo ang katawan ko sa kanya.

I don't even know kung ano ang reason niya bakit siya pumunta dito tas bigla bigla na lang akong yayakapin? Was that part of the plan? Oh well, hindi na ako ang dating Sab na kilala bilang fragile kundi ang Sab na palaban at gagawa ng paraan para masaktan ang taong dati ay nanakit sakin.

"S-sorry Sab. It's just that I missed you." Sabi niya sakin habang seryosong nakatingin sakin na parang nagsusumamo.

"Yeah. Everyone misses me, I know that." Saad ko pero sa totoo eh naawa ako sa kanya. Nakita ko na lang na tiningnan niya ulit ang suot ko. Seriously? What's the big deal?

"Bakit ganyan ang suot mo, Sab?" tanong niya then tried to reach my hand pero tinago ko ito sa likuran ko. Ayokong ni isa sa mga kamay o bahagi ng katawan niya ay dumampi sakin.

Baka bumalik yung dating Sab na nakilala niya at ayokong maging ganun. I still have that revenge for him pero mukhang hindi matutuloy kasi hindi na siya magugulat sa mukha ko kapag nagparty na.

"You really have changed. Please Sab, gusto ko bumalik tayo sa dati.. Gusto ko yung dati----" hindi ko na siya pinatapos kasi medyo naiirita na ako.

"Pumunta ka dito para pabalikin ako sa dating ako?" saka ako lumapit sa kanya na nagpakita ng maamo kong mukha, I saw Zen smiled with what I did.

Hinalikan ko siya nang rumespond na siya ay tinapos ko agad then bigla siyang sinampal.

"That's for making me believe that I am the one!"

Sumunod ay isa pang sampal.

"That's for disturbing my beauty sleep." Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako agad then I noticed our maids na nakikinig sa usapan. Tiningnan ko sila at pinagsalitaan.

"Sa susunod kung gusto niyong may trabaho pa kayo wag na wag kayong makikichismis sa personal life ng amo niyo." Masungit kong sabi pagkatapos narinig kong sinabi ng isa ang salitang "maldita."

Nilingon ko siya ulit at pinagsalitaan, "Maldita ako pero nasa lugar, hindi niyo pa ako kilala kaya wag kayong makapagsalita ng ganyan kung alam niyong wala pa kayo nung time ng pagbabago ko."

Pagkatapos ay narinig ko ang mga yapak ng magulang ko na papunta sa gilid ni Zen, gulat din sa ginawa ko.

"Sabrina, ano ginawa mo?" Tanong sakin ni Mom ng pasigaw.

"Please tell the maids here na wag masyadong chismosa lalo na't sakin Mom, you know me better than them so please. And paalisin mo na rin yang taong dahilan ng pagiging badtrip ko. Thank you Mommy, gotta go to sleep. I'm tired." I said then got into my room.

I hopped in my bed tapos tumihaya. Naramdaman kong may mga luha na palang umaagos. Talagang affected pa nga ako. Napahawak ako sa dibdib kong napakalakas ang tibok ngayon. Masakit pa rin pala, mahal ko pa rin pala siya.

Sa two years na pagmomove-on ko wala pa rin palang epekto kasi sa isang kita ko lang sa kanya bumalik lahat ng sakit at pagmamahal ko. Masakit pero walang bawian ng sinabi, revenge is revenge.

Magagawa ko kaya?

Zen's POV

She kissed me, akala ko babalik kami sa dati pero hindi pala. She took her chance to stun me with her kiss pagkatapos ay sinampal ako.

Yeah, I know I deserve that. Pero hindi na siya ang dating kilala kong malambing, mabait at masayahin. Dahil sa pagbabago niya hindi ko na nakilala ang tunay na Sabrina.

Hawak hawak ko pa rin ang bahagi ng sinampal ni Sab sa akin. Yeah, masakit siyang manampal pero hindi matutumbasan ang sakit na nararamdaman ko nang dahil sa ginawa niya. Pinaramdam niya sakin ang sakit ng pagpapaasa nung hinalikan niya ako. Umasa akong babalik kami sa dati.

"Hijo, you alright? Umalis ka na daw sabi ni Sab baka magalit pa pag makita ka pa ulit. Ayoko nang umalis ulit ng masama ang loob ng anak ko dahil sayo," Sabi ni Tita.

"Gusto ko po sanang kausapin siya at magpaliwanag." Mahinahong sabi ko at pinaupo muna ako ni Tita habang halata kong nagtitimpi sa galit si Tito sakin.

"Sa loob ng dalawang taon ngayon pang sa pag-uwi niya ikaw manggugulo, ha? Piacci?" Asik ni Tito sakin.

**

Sinaway niya ang asawa nang makitang galit ito sa lalaking kaharap nila ngayon ngunit hindi pa rin natinag ang lalaking humarap sa kanila. Any moment ay masasapak na nang asawa niya ang lalaking nagpaiyak sa anak nila ngunit nagsasalita pa rin ito na parang wala siyang nagawang kasalanan.

Napagpasyahan na rin nilang tulungan si Zen nang marinig nilang dalawa ang sinabi ng binata ay nakita niyang seryosong nagsalita ang asawa niya, "Wag mo nang papaiyakin ang prinsesa namin."

Saka lumiwanag ang mukha ng binata.

"Here's our plan."    

Back with Vengeance (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon