Chapter 7: The Party and The Bitch

9.9K 55 0
                                    

CHAPTER 7

Ria's POV

Sa harap ng isang two storey Mediterranean style mansion tumigil ang kanilang sasakyan. Pagbaba ng sasakyan ay magkaagapay silang pumasok sa loob.

Kung namangha man siya sa exterior ng bahay ay mas higit na nalula siya sa interior ng loob ng bahay. Mula sa mga kagamitan tulad ng sofa hanggang sa mga chandilier. Hindi niya lubos akalain na ganoon pala kayaman ang kanyang irog.

The thought brought sadness inside her. Why? Nang oras na 'yon ramdam na ramdam niya kung gaano kalaki ang agwat nila. She was just a lowly secretary while Luen was an epitome of a modern prince.  She sigh silently then shrugged the thought. Ngayong gabi, ieenjoy niya ang experience na ito kasama ang amo. Mag iilusyon siya na baka pwede na baka sakali na maari siyang maging prinsesa nito kahit sa maikling panahon.

Mula sa sala ay lumabas sila sa isa pang malaking pintuan na nagkokonekta sa malawak na hardin kung saan inayusan ito nang todo todo para sa party.

"L-luen," may pag aalalang tawag niya dito. Hindi sinasadyang napahigpit ang kapit niya sa braso nito. Sobra kasi siyang kinakabahan, hindi siya sanay sa mga ganitong pagtitipon.

"Hey, sweetheart, relax, okay? pagpapakalma nito sa kanya.

"B-but---" naputol ang sasabihin niya nang ilapat nito ang hintuturo sa kanyang mga labi.

"You look fine, no infact, you look mesmerizingly beautiful. Tska andito si mommy, close naman kayo nun di'ba?" pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Pagkaraan ng ilang sandali ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae na sa tantiya niya ay nasa mid fifties pa lamang Natitiyak niyang ito ang Auntie Belle ni Luen dahil malaki ang pagkakahawig nito sa ina ng binata. Kasunod nitoang ina ni Luen na kasalukuyang naniningkit ang mga matang tinignan siya.

"Luen! I'm glad you came!"

"Siyempre naman Auntie, I wouldn't miss it for the world. Ikaw yata ang pinakapaborito kong Auntie. By the way, this is my gift for you."

"Of course, ako lang naman ang nag iisang tita mo eh." Natatawang turan nito at pagkatapos ay tinignan na nito ang bigay ng pamangkin.

"Oh Luen, this is such a wonderful gift, I love it. your such a sweet boy, thank you," tuwang tuwang sabi nito nang mabuksan ang regalo at tumambad ang pareha ng south sea black pearl earrings. Pagkaraan ay bigla siyang napansin nito. "My, my , my Luen, care to introduce us with this lovely lady with you?

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon