Chapter 11: Dinner with my Boss - Part 2

9.3K 56 5
                                    

CHAPTER 11

DINNER WITH MY BOSS-PART 2

Ria's POV

Habang nasa loob ng private office si Luen ay agad na niyang tinawagan ang abuela para ipaalam ditong gagabihin siya ng uwi para hindi na siya nito intayin. Sinabi niya ring wag na itong mag alala sa pag uwi niya dahil ihahatid siya ng boss niyang si Luen.

After a short ride ay nakarating na sila sa destinasyon....

Luen took her at L'Incontro Ristorante Italiano an Italian Restaurant that can be found in Makati. The restaurant create an environment inspired by the Italian dining table experience, so that the guests can enjoy how Italians enjoy their food and drink.

She heard that the said restaurant served the best of the best at minsan na niyang napanood ito sa isang lifestyle show. Kaya naman pagdating nila, no wonder na madami na agad customer.

Napansin niyang agad silang pinagtitinginan ng mga ibang customer. They're probabyly curious sa babaeng kasama ni Luen. Why? Siguro dahil kakaiba ang itsura niya sa mga babaeng napapabalita na karaniwang dini-date nito.

Pakiramdam niya ay para siyang isda na kinakaliskisan ng mga ito kaya naman asiwang asiwa siya. Bakit ba naman kasi dito pa siya dinala ni Luen? Gaga! Alangan namang dalhin ka niyan sa turo turo, eh hindi naman yan kumakain sa mga tabi tabi.

The waiter greeted them and assisted them to a vacant table for two.

 "Luen, they're looking at us," pasimpleng bulong niya sa binata habang busy ito sa pagtingin sa menu.

"Don't mind them," sagot nito sa kanya bago binalingan ang waiter at ibinigay ang order nito.

"Your turn, Sweetheart,"

"i'll have the same" sabi niya sa waiter. My gosh kalahating buwang sweldo na yata niya ang presyo ng mga naorder nilang dalawa. Hindi talaga siya sanay.

"Are you sure?"

"Yes"

Pagkatapos kunin ang order nila ay agad na umalis ang waiter.

"Eh, kasi Luen hindi naman ako masyadong pamilyar sa mga pagkain dito e, kala ko naman kasi sa fastfood lang tayo kakain or sa mga simple na restaurant" mahinang bulong niya dito.

"Tsk, tsk, tsk.. Miss do you know who I am? Ngayon lang ako may nakasamang babae na sa isang fastfood lang ang ineexpect na pagdadalhan ko sa kanya. That certainly a first. You really amused me, Sweetheart." anitong humalakhak pa.. Napatingin tuloy sa kanilang table ang mga ibang kumakain.

Ramdam na ramdam niya ang pag iinit ng kanyang mukha. Paano ba naman kasi hindi niya iisipin iyon? Eh balik nanaman sa dati ang itsura niya. Haysss. Wala naman kasi siyang ibang maisusuot kaninang umaga dahil pare lang ang laman ng wardrobe niya.

Sakto naman bumalik ang waiter para iserve ang wine. The waiter poured a wine on both their glasses.

"Why don't you try the wine. Drink Ria" pag eencourage nito sa kanya.

Kahit hindi siya sanay uminom ay nagpaunlak siya at nagustuhan naman niya ang lasa nito.

"Hmnnn,. It's good!" bulalas niya rito

Luen raised his glass

"Cheers"

They clinked their glasses and drank the wine.

"I guess, habang wala pa ang mga orders natin, magkuwentuhan muna tayo. So, tell me about your family, Ria"

" My mother passed away in an accident when I was in highschool. So, I was left with my grandmother who raised me and send me to school . Kaya ipinangako ko sa kanya na pagbubutihan ko ang pag aaral ko. So, you know, when I was in college, AVF gave me full scholarship and that's  where I met your Mom.. and you know the rest. And right now, I lived with my grandmother."

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon