Chapter 15:
Tsismis here, tsismis there..tsismis everywhere!
Ria's POV
Hindi niya alam kung nananaginip lang siya ngunit tiyak ni Ria na gising na gising ang kanyang diwa. Mahirap paniwalaang boyfriend na niya ang isang Luis Enrique Aragon-Villarama III. His name alone expressed great power and money.
She has been his secretary for almost four years. Sa loob nang mga panahong iyon ay hindi pa niya ito nabalitaang may inalok na babae para maging official girlfriend nito. Ang mga babaeng napapaugnay dito ang siyang lantarang nagpapahayag sa publiko ng relasyon diumano ng mga ito at kahit isa sa mga iyon ay walang kumpirmasyon na ginawa si Luen. Luen wasn't the exclusive type of guy. ANd right now, she feel very special.
Halos mag iisang linggo na rin silang official na "mag-on". Lagi siyang hinahatid at sinusundo ng binata. Minsan pa nga, bago siya ihatid nito pauwi ay nag di-dinner muna sila. Ramdam na ramdam niya ang pag ca-care ni Luen sa kanya at kahit pa may agam agam pa rin siya sa damdamin nito ay dagli din naman iyong nawawala dahil sa mga ipinapakita nitong sweetness sa kanya. Hindi na rin siya naiilang dito, naaalala pa niya nang minsang nag dinner sila.
Takaw ko ba? natatawang tanong niya sa binata. She had let go of her inhibitions. She was savouring her fourth serving of seafood pasta, her favorite. Nakatingin lang kasi sa kanya si Luen and amusement was written all over his face.
"Hindi naman, nagtataka lang ako kung saan mo dinadala ang kinakain mo at hindi ka lumulobo and I just love the way you eat." at ang loko nilagyan pa ng isang slice ng pizza ang plato niya.
"Ikaw? hindi ka ba kakain? Sige ka, pag hindi ka pa kumain uubusan talaga kita" pananakot niya rito. At ang loko bigla na lang humalakhak ng pagkalakas lakas.
Mabilis na kumalat ang balita sa buong Z-hotel na 'mag-on' na sila ng big boss at dahil wala naman siyang maituturing na kaibigan o kahit man lang naging ka-close niya kahit papaano ay pulos pang iintriga at batikos ang kanyang inabot sa karamihan ng kapwa niya emleyado.
Meron din naman mangilan-ngilan na nagpapahayag ng katuwaan pero mas marami pa rin ang mga taong nagtaas ng kilay, lalo na sa parte ng mga kabaro niya. Kagaya na lamang ng dalawang bruha na kasalukuyang nakasabay niya sa ladies' room.
"Grabe, girl! Bilib na bilib talaga ako sa isang tao diyan. Akala mo kung sinong manang dati, yun pala arte lang."- turan ni girl 1 habang nag reretouch ng make up.
BINABASA MO ANG
A Playboy's Downfall
RomanceShe believed him. She trusted him. She almost patronized him. He introduced her to the most wonderful feeling that ever existed. She loved him to bits. She gave her everything- her heart, body and soul. Only to find out na isa lang pala siyang amuse...