Chapter 5: The Make-over

10.3K 73 2
                                    

CHAPTER 5

Luen's POV

The non-stop noise coming from his mobile phone woke him up. He cursed loudly in his inside his head when he saw who was the caller.

"hello mom?"

"Good morning, Hijo!" his mother beamed on the other line.

"Morning too, mom." He replied lazily.

"Hijo, I'd like to remind about your Auntie Belle's birthday party later dahil baka makalimutan mo. Please lang hijo, wag ka munang magdala ng kung sinong babae. Bigyan mo ako ng kahit konting kahihiyan." walang prenong sabi nito sa kanya.

"uhh-uhh. okay."

"I'm warning you Luen, you know me,"  turan nito sa nagbababalang tono

"Ok mom, I promise. I'll behave at the party" he replied nonchalantly.

"Good boy, I'll see at the party later. Take care son." then the line went dead.

It had been 5 years since the death of his father, kaya hindi niya maiwasan na sa kanya matuon ang atensyon ng ina. After all, he's the only child of his parents---a situation he thought as a curse more than a blessing.

Sinulyapan niya ang katabi na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. A woman who had a lot of energy, just her type. And it just happened that he is a 28 year old man with a raging hormones of a 17 year old boy. Natawa siya sa sarili, kung anu ano na ang naiisip niya. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpasya na siyang mag ayos para sa pagpasok sa kanyang opisina. Nag iwan na lamang siya ng note sa bedside table para sa kanyang flavor of the month.

 Ria's POV

 Habang abala si Ria sa pagta-type ng report ay biglang tumunog ang intercom.

" Ria, mag ayos ka na ng mga gamit mo. May pupuntahan tayo at isasama kita."  animo'y haring utos nito. Napaka dikatador talaga ng kanyang amo. Kung hindi niya lamang ito mahal at hindi ito nuknukan ng guwapo, nunca na magtagal siya dito sa dami ng sakit ng ulo na inaabot niya bilang sekretarya. Pati sakit sa puso , iha. Sa dami ba naman ng babae ng irog mo!- tudyo ng makulit na bahagi ng utak niya.

FLASHBACK

Nasa highschool pa lamang siya nang mamatay  ang kanyang ina dahil nasangkot ito sa isang vehicular accident, dead on the spot ito kasama ang ka-trabaho sa pinapasukang grocery bilang cashier. Habang musmos pa lamang siya ay wala na siyang kinagisnang ama. Tuwing tinatanong niya ang kanyang ina tungkol sa ama ay palaging tikom ang bibig nito. "Wag mong hanapin ang taong wala," kadalasang sagot ng kanyang ina sa kanya.

Nang mamatay ang ina niya, naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang abuela. Binusog siya nito sa pagmamahal kaya salat man sila sa materyal na bagay ay busog naman siya sa pangaral at pagmamahal nito. Iginapang nito ang pag papa-aral sa kanya sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke. Kaya ipinangako niya sa sarili na pagbubutihin ang pag aaral para mabigyan niya ang abuela ng masarap na buhay.

Nang nasa kolehiyo na siya ay nag apply siya bilang iskolar sa unibersidad at doon niya nakilala ang butihing ina ni Luen na si Doña Margarita. Ito ang nag grant ng kanyang scholarship mula sa Aragon-Villarama Foundation o AVF.

Isang araw ay dumalaw ang ina ni Luen kasama ang anak sa AVF kung saan isa siya sa mga naka assign na volunteer para mag repack ng mga relief goods na ipapadala sa mga nasalanta ng bagyong Tonyo. Doon niya unang nakita ang binata na noon ay 23 years lamang habang siya ay 18 years old lamang ng mga panahong iyon. Matanda ito sa kanya ng limang taon.

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon