Chapter 23: More than two years...
Luen's POV
Mahigit dalawang taon na ang lumipas mula nang maglaho na lamang sukat na parang bula si Ria. And as the years passed, Ria's memory kept on hunting him.
Isang napakalaking leksyon iyon sa buhay niya. And he learned it the hard way. Sana'y hindi na ito nawala sa buhay niya para lang matuto siya. At dahil parang ubos na ang pag asa niya na makita itong muli ay ibinuhos na lamang niya ang panahon sa negosyo.
Besides, mas gusto niyang parati siyang busy para wala na siyang oras sa mga babae.
Hindi na siya ang dating Luen na puro pasarap lang ang alam sa buhay. Mas lalo na rin siyang naging aware sa sitwasyon at conflicts sa iba't ibang bahagi ng mundo, sa pagtaas ng dolyar at paghina ng piso. Pati political problems ng bansa at lalo na sa presyo ng langis at stocks.
Sa loob din nang nakalipas na mga taon ay wala siyang sinuman na naging karelasyon. Maliban na lamang sa ilang paglabas na kasama si Clarissa tulad ng pag attend ng mga social functions, events at charity ball na pinahintulutan niya dulo't na rin nang pangungulit ng kanyang ina. Kung ilang beses naman na nalathala sa mga pahayagan na sila kuno ay hindi niya binibigyan pansin dahil alam naman niya kung ano ang totoo at nilinaw na niya sa dalaga na hanggang kaibigan lang ang turing niya rito. Isang nakababatang kapatid.
Sabi ng mga kaibigan niya ay marami pa raw siyang mami-meet. Being Luis Enrique Villarama the fourth, his name alone ay para nang bubuyog na lalapit sa kanya ang mga babae. At paglipas ng panahon, he'll get over his feeling for Ria 'daw'?! Pero sa kaso niya ay mukhang malabo iyon.
His cellphone rang. The caller ID said it was Kurt.
"Yeah" patamad niyang sagot.
"I'm arranging a date for you, pare. Guess what kung sino?" enthusiastic na turan nito.
Pero wala siyang interes na hulaan kung sino ang sinasabi nito dahil kasalukuyan niyang binabasa ang isang bagong project proposal. Mula kasi nang mag-click ang project expansion nila two years ago ay mas naging determinado siyang pasukin ang asian market. Balak na niyang mag branch out sa iba't ibang bansa sa asya. Gusto niyang mag top one ang Zephyr hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya. Isang napaka ambisyosong proyekto na hindi lamang nangangailangan ng malaking capital kundi pati utak, determinasyon, tatag at sipag.
BINABASA MO ANG
A Playboy's Downfall
RomanceShe believed him. She trusted him. She almost patronized him. He introduced her to the most wonderful feeling that ever existed. She loved him to bits. She gave her everything- her heart, body and soul. Only to find out na isa lang pala siyang amuse...