Chapter 18
Clarissa's POV
Clarissa Aurea Cordova. Tatlo silang magkakapatid na pawang mga babae at siya ang bunso. Malayo ang agwat ng edad niya sa kanyang dalawang nakatatandang ate kaya naman lumaki siya ng nakukuha ang gusto at hindi sanay na wala sa kanya ang atensyon ng mga tao sa kanyang paligid.(histrionic lang teh? hahaa.. seryoso na po.. 'v' peace!)
She grew up like a pampered princess in the Cordova household. Even her sisters spoiled her to senseless. She grew up thinking she could get away with anything, dahil kunsintidor ang mga ito.
"Come in." sabi niya ng makarinig ng katok sa pinto.
"Ma'am, andito na po si Mr. Santos." imporma ng kanyang sekretarya
"Send him in." ma-awtoridad na utos niya
Nang pumasok ang kanyang bisita ay iminuwestra niya ang silya na kaibayo ng office table niya dito.
"May good news ka na ba?" tanong niya sa kaharap. Simula kasi nang bumalik siya sa bansa at magkita sila ni Luen sa party ni Auntie Belle ay minabuti na niyang pabantayan ang bawat kilos nito.
"Nasa loob na ng envelop ang lahat ng impormasyon." saad ng PI.
"Good!" nasisiyahang sabi niya tska iniabot ang isang sobre bilang kabayaran. "Dinagdagan ko na rin yan. Just make sure to keep your eyes on him. You can leave now. Tatawagan na lang kita."
Magalang naman itong tumango bago lumabas ng kanyang opisina.
She immediately opened the envelop. Agad na nagtagis ang mga bagang niya sa litratong bumungad sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamay. Si Luen lang ang nag iisang minahal niya simula pagkabata kahit alam niyang wala itong gusto sa kanya. She tried everything para mapalapit dito, she even used her beauty to seduce him pero wala pa rin. They lived in the same village, go to same school and practically grew up together and yet they were totally apart.
Matalik na magkaibigan ang kanilang mga magulang. Ang negosyo ng kanilang pamilya ay nasa isang linya lamang. Villarama's are focused on their chains of hotel while the Cordova's are into resort chains.
Matagal na silang binubuyo ng kanilang mga pamilya sa isa't isa. Gusto ng parents niya si Luen at ganun din naman ang mga magulang ng binata sa kanya pero hindi naman pinipilit ng mga ito si Luen na ligawan siya.
BINABASA MO ANG
A Playboy's Downfall
RomanceShe believed him. She trusted him. She almost patronized him. He introduced her to the most wonderful feeling that ever existed. She loved him to bits. She gave her everything- her heart, body and soul. Only to find out na isa lang pala siyang amuse...