Chapter 17: Out of town trip - Part 2

8.8K 51 4
                                    

Chapter 18


Ria's POV

Laglag ang panga ni Ria habang pinapanood si Luen sa pagsakay nito sa wakeboard. Mukhang bihasa na ito sa sport na iyon dahil kanina pa niya ito nakikitang gumagawa ng iba't-ibang tricks. When he did an air-raley, she couldn't help but clap and yell. Ang buong akala niya ay sa basketball lang ito magaling.

Maya-maya pa ay nakaupo na rin ito sa ilalim ng cottage na kinaroroonan niya.

"Nag-enjoy ka ba sa panonood, Sweetheart?" untag nito sa kanya.

"Of course! My gosh, hindi ko alam na sobrang galing mo pala sa sport na'to." She beamed at him with so much admiration written in her eyes. "Matagal ka na bang nag-wa-wakeboarding?" usisa niya rito.

"Hmmnn, mga mag wa-one year na rin siguro. Nagkayayaan lang kami dito last year ng barkada, then you know what happened next. Masyado akong na-challenge kaya eto ang naging resulta." he explained to her with so much enthusiasm. Halatang gustong guto nito ang sport na iyon.

"Wala ka bang balak na sumali sa mga competition? You're really good!"

"Bakit? Ipag-chi-cheer mo ba ako pag sumali ako?" nanunudyong tanong nito sa kanya.


"Siyempre naman! Magdadala pa ako ng banner or placard para talbog yung mga groupies at cheerer ng ibang mga players." nakakalokong sagot niya kaya ayun nauwi silang dalawa sa tawanan.


"Wanna try wakeboarding?" nakangiting anyaya nito sa kanya.

Lord, papaano pa ba siya tatanggi kung ngiti pa lang nito nanlalambot na siya.

"Sure, kaya lang wala akong alam dito eh. Baka mahirapan ka sa'kin"

"Don't worry, sagot kita." sabay kindat sa kanya ni Luen at walang sabi sabing inakay na siya nito.

Hinayaan niya si Luen na mag-lecture. Binigyan siya nito ng mga tips mula sa tamang pagtayo at porma ng katawan pag nasa ibabaw na ng board. Nag-demo pa ito para daw mas lalo niyang maintindihan. Mataman siyang nakinig dito dahil determinado siyang magawa ng tama ang lahat ng itinuturo nito. She's nervous but excited at the same time.

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon