Chapter 16: Sweetheart :*

8.8K 41 0
                                    

Chapter 16

Ria's POV

"May gagawin ka ba this weekend?" tanong ni Luen sa kanya na kasalukuyang nagmamaneho isang hapong inihahatid siya nito pauwi.


"Bakit?" Kunot noong tanong niya.


"Gusto sana kitang isama  this weekend para mag out of town, tutal tatlong araw namang walang opisina. Since, holiday sa monday." paliwanag nito matapos ay bahagya siyang sinulyapan mula sa pagmamaneho


"Saan ba yan?"


"CWC sa Camsur. Gusto ko kasing mag water-ski at wakeboarding. Syempre, gusto ko sana kasama kita. Please?" malambing nitong sabi


"Gusto ko sanang um-oo sa'yo ngayon pero kailangan ko pa magpaalam kay Lola. Alam mo naman na wala ring tao na maiiwan sa bahay para makasama ni Lola, eh." nagpapaunawang paliwanag niya kay Luen.


"If you want, pag pumayag ang Lola mo, pasasamahan ko siya sa isa o dalawa sa mga trusted house helpers namin sa mansyon para kahit papaano mapanatag ang loob mo."


"Okay, basta ba pumayag si Lola walang problema." nakangiti na niyang tugon dito.


"Sana mapapapayag mo si Lola Remy. Alam mo namang flight ko sa bangkok sa tuesday. I need to stay there for a couple of days. Kaya gusto ko kong sulitin ang weekend na magkasama tayo para hindi kita masyadong ma-miss." parang batang pangungulit nito sa kanya.


"Promise, Sweetheart. I'll do my best para pumayag si Lola." pagkatapos ay dinukwang niya ito at mabilis na hinalikan sa pisngi.


Sakto namang nag red ang traffic light kaya namalayan na lang niya na nahapit na siya ni Luen at magaang ang kanyang mga labi. And when the kiss ended. Luen, caringly, sweetly enveloped her in a gentle hug.


" By the way....." maya maya ay nangingiting bulong nito sa tenga niya. " I love it when you call me 'Sweetheart'."


Ngumiti siya dito ng matamis at siya na ang nag initiate na halikan ito sa mga labi nang makarinig sila ng sunod-sunod na pagbusina ng mga sasakyan sa likod kaya napipilitang bumitiw si Luen sa kanya.


"Grrr... wrong timing naman." pagkatapos ay iiling iling nitong pinaandar ang sasakyan.

Author's Note:

Later po mag uupload pa ako. Medyo nawala po kasi ako sa track ng kwento. hehe. Bawi na lang po ako next upload, promise. please comment po. Thank you.

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon