Chapter 19: Truth hurts!
Ria's POV
Ilang minuto rin ang lumipas bago niya nakalma ang sarili. Pagkatapos ay muli niyang tinignan ang hawak na cd. Ngayon ay nakyu-curious siya kung ano ang laman niyon. Napaisip tuloy siya.
May sex scandal ba si Luen? Kinilabutan siya sa naisip. Hindi naman siguro.
Pagkaraan ay nagpasya na lamang siyang pag uwi sa bahay iyon panuorin. Kaya ipinagpatuloy na niya ang naudlot na trabaho.
Pagsapit ng alas singko ay nagmadali na siyang iligpit ang mga gamit para umuwi. Pero dahil sa matinding traffic dulot diumano ng isang banggaan ay quarter to seven na siya nakarating sa bahay.
Nadatnan niya ang abuela sa sala na nanonood ng tv. Agad siyang nagmano rito.
"Pasensya na 'La, medyo natraffic ako eh."
"Napanood ko nga sa balita. Oh, siya pumanhik ka na at ng makapagpalit ka ng damit at tayo'y maghahapunan na."
"Sige po, akyat na ako 'La" magalang na sagot niya at pumanhik na.
Pagdating niya sa kanyang kuwarto ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop na nakapatong sa di kalakihang working table niya. Isinalang muna niya ang cd bago siya dali-daling nagpalit ng pambahay.
Sigurado siyang naghahanda pa ang Lola niya sa hapagkainan kaya sasamantalahin muna niya ang pagkakataon para makita ang nilalaman ng cd.
Pagkatapos magpalit ng damit ay dinala niya ang laptop sa kama para para i-play ang cd at padapang komportableng pinanood ito.
BINABASA MO ANG
A Playboy's Downfall
RomanceShe believed him. She trusted him. She almost patronized him. He introduced her to the most wonderful feeling that ever existed. She loved him to bits. She gave her everything- her heart, body and soul. Only to find out na isa lang pala siyang amuse...