Chapter 3: When Boredom Strikes

10.5K 53 0
                                    

CHAPTER 3

Luen's POV

Wala pang isang oras sa opisina si Luen ay bigla n lamng dumating ang buwisita niyang si Joshua. Ito ang masasabi na bossom buddy niya. Magkaibigan ang mga pamilya nila, kaya bata pa lamang sila ay magkakilala na sila nito . Ito ang maituturing niyang bestfriend sa kanilang apat na magbabarkada although kaibigan din naman niya sina Drew at Kurt pero mas di hamak na close sila ni Joshua na parang bang  iisang ina ang nagluwal sa kanila.

"Ria please bring two cans of soda here," utos niya sa sekretarya

"yes Sir! Two cans of soda coming up!"

Pagkaraan ang ilang sandali ay magiliw na idinulog nito ang soda  at naglagay na rin sa tray ng Chicken sandwich na paborito ni Joshua. Madalas sa opisina niya ang kaibigan, pumupunta ito roon pag bagot na sa sariling opisina. No wonder pati preference nito ay alam na ng magaling niyang sekretarya.

"Here's your soda Sir, nagdala na rin ako ng chicken sandwich"

"Thank you, Ria"

"your welcome, Sir" nakangiting tugon nito sa kaibigan niya bago lumabas ng kanyang opisina.

"So, What brought you here pare? Ang aga mo naman yata akong inistorbo. For your information, loaded ako ngayon, you can even ask Ria about my schedule." turan niya sabay ngisi.

"Ulol, Asa, Dude I'm bored. Samahan mo naman akong maghanap ng babae mamayang gabi."

"Puro na lang paggasta ang inaatupag mo. alam mo bang isa kang malaking abala sa mga tulad kong busy sa paghahanapbuhay"

"Who are you? Makapagsalita ka naman sakin kala mo kung sino kang naghihirap. So, ayaw mo muna sa bagong girlfriend? Bakit? Nakakatrauma bang talaga yung ginawa ni Diane sa'yo? tatawa tawang turan nito

"Tado! Medyo palamig lang ako ngayon. Halos atakihin sa puso si ermat dahil sa nangyari. Pero para magtigil ka, sasamahan na kita just for few drinks." iiling iling na pagpayag niya rito.

"Wala ka bang sakit dude? Sa pagkakaalam ko sa ating dalawa ikaw itong mahilig magyayang mag bar? eksaheradong bulalas nito.

"Ewan, siguro nauumay na ako sa mga socialites, model, you know, I want something different for a change."

Kunot noong tinignan niya si Josh nang mapansin niyang napangisi ito sa kung ano man.

"You just gave me an idea man" nakangising sabi ni Josh sa kanya. "You said yourself na nabobore ka na sa nag gagandahang mga babae, hindi ba?

"Yeah, so? What are you cooking up man? kunot noong tanong niya rito.

" well bakit hindi mo ligawan si Ria for a C-H-A-N-G-E?" Tinuro pa nito si ria mula sa one way mirror.

"Are you nuts? Paliligawan mo sakin si Ria. She's too far from my taste, papasa na nga yang tiyahin ko, dude. Look at those dark rimmed eyeglasses, wala man lang ka taste taste and that powder free oily skin face? No freaking way!" Bulyaw niya rito.

"Pare, isipin mo na lang na she's like an uncut diamond. Mukha namang may potensyal yan, tignan mo ang height, at kahit morena makinis naman. Konting ayos lang diyan pare, ready for speed na yan" pangungulit nito sa kanya.

"Hindi pa ako handang mawalan ng efficient na sekretarya kaya kung ako sayo aalis na ako dahil wala kang mapapala sakin, wag mong gawing hunting ground itong opisina ko. Opisina to at hindi bar!" Nanggagalaiting turan niya dito.

Pinaikot nito ang mga mata. "Party pooper, your chickening out man? Then let's make it more interesting, I'll bet my new 2013 Ford Mustang Shelby GT 500 on this charade with you nothing to lose, it's a win-win situation pare."

"My answer is the same, it's a big NO! I'm not desperate for this bet, she's not even worth it" Turan niya rito dahil kaya din naman niyang bumili ng kahit ilang kotse kailan man niya gustuhin.

"That's lame pare, I think you're just afraid to lose, 'THE GREAT' Luen chickening out from a bet? it's so not you, wait till I tell this to others." tukoy nito sa iba nilang barkada.

 "Okay, fine, you got me dude. I accept the challenge, give me one week with her and she's a fair game" pagsang ayon niya dito. Malaking dagok sa ego niya ang paratang nito kaya agad niyang tinanggap ang hamon ng kaibigan. If ever she resigns after this, he will give her a good compesation as well as recommendation.

"Good, good, now, you enjoy the chase the mouse game man! 'Coz I have a strange feeling that it's gonna be fun. I gotta go now dude, Let's meet later, same place" tukoy nito sa suking bar na tinatambayan nila at tatawa tawang umalis ng kanyang opisina.

"Unbelievable", napapailing na usal niya. But at least, he'd be less bored for one week.

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon