Chapter 8: The Kiss

9.8K 61 5
                                    

CHAPTER 8

Ria's POV

She was in pain!!!!!!!!

Kitang kita niya ang simpleng paghila ni Luen sa babae to God know's where. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili kaya agad niyang itinanong sa nakasalubong na waiter kung nasaan ang powder room.

Laking pasasalamat niya nang maabutang walang tao sa loob. Tinitigan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Oo, malaki ang ipinagbago ng pang labas niyang anyo at halos hindi na nga niya makilala ang sarali pero nakakalimutan niyang napapalibutan din si Luen ng mga nag-gagandahang mga babae buong buhay nito na higit pa sa pisikal na anyo ang kayang ipagmalaki. They are also successful in their own right, some are equally influential.

Minsan talaga 'truth hurts.'

Alam niyang umiiral nanaman ang inferiority complex niya kaya bago pa siya maglulupasay ay pumikit siya ng mariin at kinalma ang sarili. Isa lang naman ang kaya niyang ipagmalaki, na si Luen ay minahal niya hindi dahil kayamananang meron ito , guwapo, maipluwensya, matalino, at maipagmamalaki sa lahat. She love the man because she simply love him. No questions ask. Period.

Naniniwala siya na kaya may pagkapalikero si Luen ay dahil hindi pa ito nakaka experience na ma-inlove. She believe that if  Luen will experience the magical feeling, he'll be more likely to become a faithful partner  and an ideal family man.

Sabi nga nila, habang may buhay may pag asa.... Kaya kapit lang...

Maya-maya ay nagmulat na siya ng mga mata at napangiti na ng maluwang.

"Kaya mo yan Ria. 'Pag may tiyaga, talagang may mapapala.'" natatawang pagkausap niya sa sarili. Inayos na niya ang sarili at pagkatapos ay lumabas na ng powder room.

Luen's POV

Kanina pa niya hinahanap si Ria. "Saan kaya nagsusuot ang babaeng 'yon," naiiritang himutok ni Luen sa sarili.

Naalala niya kanina nang dumating sila sa party, hindi nakaligtas sa kanya ang mga humahangang tingin ng mga kalalakihan kay Ria at tuwing mapapansin siya ng mga ito na kasama ng dalaga ay agad na napapalitan ng disappointment ang itsura ng mga ito. And her naive secretary wasn't even aware of it.

Kung bakit ba naman parang kabute kung sumulpot si Clarissa. Hindi naman kasi kataka takang imbitado si Clarissa sa b-day party ng Auntie Belle niya dahil magkaibigan ang kanilang mga pamilya.Matagal na siyang hinahabol habol ng babae simula mga bata pa lamang sila. Kaya naman sobrang nakahinga siya ng maluwang nang ipadala ito sa Amerika noong magkokolehiyo na ito para doon mag aral. Ngayon, sigurado siyang sasakit nanaman ang kanyang ulo dahil sa babae.

Nag aalala na siya kay Ria dahil alam niyang wala itong kakilala sa party, 'talaga bang nag aalala ka lang sa kanya o nag aalala ka na may pumorma sa kanya ngayon?'- tudyo ng isang bahagi ng kanyang utak.

Nasa aktong papasok siya sa loob ng mansyon nang makita niya si Ria. Two men are ogling her, the sight stirred something within him. Kaya nagmamadali siyang lumapit sa mga ito.

"Sweetheart, there you are. Kanina pa kita hinahanap," pagkatapos ay bigla niya itong inakbayan, for everyone to see. Agad namang tumalilis ang dalawang bubuyog na umaaligid dito.

Pagkaraan ng ilang saglit ay binalingan na niya ito. " Care to dance sweetheart?"

"I-I don't know how to dance," namumula at nauutal na sagot nito sa kanya.

"It's okay, I'll guide you. Now let's go?" napansin niyang lalo pa itong namula at lalo lamang itong gumanda sa kanyang paningin. Seeing her blushhh like thattt-- good heavens, parang gusto niya itong halikan. Arghh! What a tease.

Iginiya niya ito sa dance floor. He reached out to embrace her by the waist. Pagkatapos ay inilagay niya ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat. He stood six feet-two inches at dahil sa suot nitong heels na sa tingin niya ay tatlong pulgada ang taas ay halos magpantay na sila. He held her close to his body.

Nagsimula silang gumalaw. She mirrored his every move. Maya maya ay naghinang ang kanilang mga mata. Bigla siyang natigilan when he felt a sudden weird connection between them. parang nanunuot sa pagkatao niya ang tingin nito. He swallowed hard, his throat suddenly felt dry. Her lips were full and sensual. A lips made for kissing.. and all hell breaks loose kung hindi niya ito hahalikan ngayon, hindi siya santo!

Damn, but she was beautiful

Because of their closeness ay langhap na langhap niya ang amoy nito. A sweet mixture of strawberry and cherry scent which he found innocently sexy. His lustful thoughts had made him unbearably erect, undeniably big and growing harder by second. Heaven help him now, he's a male oozing with testerone---an alpha male for creep's sake. It was like a raging fire rapidly consuming his senses.

Without a warning, he crushed his lips to her.

AUTHOR'S NOTE:

Hi everyone, sana po mag enjoy kayo sa story ko. I'll update again later.

Thanks to my super habang spare time today. Please comment po para naman may kachikahan ako here.. haha , just kidding... Enjoy reading .. Thanks everyone :)

A Playboy's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon