Chapter one: Start of something new <3

84 4 0
                                    

First story ko po ito! ^_^ sana maenjoy niyo lalo na sa mga mag-bestfriend jan na palihim na minamahal ang isa't isa! :")




>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Kringggggg! Kringgggggg!
*alarm clock "tumutunog"* hanggang sa magising na si shirley..
-
Alam niyo yung feeling na ang sarap pang matulog pag madaling araw? Yung feeling na para kang hinihila nang kama mo pabalik. Parang may magnet. Hay jusko nakakatamad. :(

Pero since first day of school ko ngayon mejo excited din ako. Pero mejo kinakabahan ako kasi university ang papasukan ko. Okay so baka nasobrahan nako sa pagpapakilala. xD

*beep beep! Beep beep!*
Nang madinig ko yan nagmadali akong bumaba nang bahay at sumakay sa school service ko. Pagkasakay ko, nakakita ako nang isang lalaki; hindi ko makita kung anong itchura dahil naka-patong yung muka niya sa bag niya na nakapatong sa lap niya. Maya maya biglang umangat yung ulo niya then nilipat ko yung tingin ko sa ibang gawi baka sabihin niya tinitignan ko siya.

Nang makarating na kami sa school agad akong pumasok nang building at dumiretcho sa classroom. Malay mo classmate ko pala yung ka-service ko na yon. Kaso dumating na lahat nang classmates ko pati ang adviser namin pero hindi ko siya nakita sa classroom ko so it means na hindi kami magkaklase. Well bat ko ba kasi siya hinahanap? *duh Shirley baliw ka ba? Hindi mo nga alam yung itchura niya eh tanging bag at buhok lang niya ang alam mo.* ay oo nga pala xD

Natapos ang first day of class ko ng 3pm at pagkababa ko nang ground floor ay may humila saking lalaking mataba siguro mas matanda to sakin...

"Hoy ka service kita diba? #3 ka ba? Kung #3 ka sumama ka na sakin." Sabi niya.. maka hoy naman tong matabang to.. :3
"oo" matipid kong sagot. Maya maya ay pumunta na kami sa service pero kulang padin kami. At dahil hindi pa bukas ang aircon nang sasakyan lumabas muna ako at naupo sa gilid.

Sa pagmumuni-muni ko may lumapit saking lalaki...
"Ang haba nang buhok mo sa id mo ah?" Sabi niya habang hawak ang id ko at napalingon naman ako sakanya..
"Hu-huh?" Omaygas siya yung ka-service ko. *-* ang gwapo niya :") "Ah oo nagpagupit kasi ako 1 week bago mag pasukan" pahabol ko..
"Para kang di marunong ngumiti dito ah?" Sabi niya at biglang tumawa..
"Akin na nga yan, sino ka ba? At bakit mo ba tinitignan yang id ko?" Sabi ko sabay hatak nang id ko.
"Ang sungit naman nito! Ako si Drake. Ikaw naman si shirley diba?" Sabi niya habang nakangiti sakin.. Jusko ang sarap hawakan nang pisngi niya! Omaygas *-*
"Yas." Sabi ko sabay tayo sa pinagkakaupuan ko at pumasok sa service. Sinundan niya naman ako at umupo sa tabi ko.
"Bago ka dito noh? Ngayon lang kita nakita dito eh."
"Oo, ikaw?" Sagot ko sakanya..
"Since elem dito nako tas hanggang ngayong grade 7, mejo nakakasawa na nga eh pero okay lan."

Sa sobrang dami nang napagusapan namin di na namin namalayang nakaalis na pala kami at andito na pala ako sa tapat nang bahay ko.

"Uhm drake dito nako, ba-bye." Pagpapaalam ko.
"Osge ingat ka shirley." Sabay baba sa sasakyan.

Hay jusko ansaya lang sa feeling na stranger siya kaninang umaga pero ngayon magkakilala na kami. Siya palang yung unang lalaking nakausap ko ngayong first day. Feeling ko crush ko na siya. Omaygas kalma shirley kalma. XD

>>>>>>>>
Omg hahaha sana po basahin niyo pa, im sure mae-enjoy to nang taong nainlove sa bestfriend niya. Simula palang kaya wala pang mga eklabu pero abangan niyo po, gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko para gumanda ang first story ko ^_^

Bestfriend?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon